ASHIYA'S POV.
"Wow, really? Umalis pala kayo at di manlang nagsabi!" bungad ni Akirra habang naka-cross arms.
Nang malaman niyang di na kami nakasunod sakan'ya ay tinawagan niya si Khiel at tinanong kung nasa'n na daw kami. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ng asawa ko pero nevermind.
"Sorry naman at nalaman ko kasing nagkasakit ang anak ko? Uunahin paba kita? Char." sagot ko kaya nanlaki ang mata niya at tinuro si Skhy na kalaro ni Khiel.
"Omg, anak mo 'yan!? Ano ba naman 'yan! Ang daming ganap sa buhay mo, sister!" OA na sabi nito kaya inirapan ko siya.
"Psh. Sabihin mo muna kung bakit after 18 years niyo lang ako hinanap?" walang emosyon kong tanong.
"What!? Excuse me? Diba sinabi ko na sa'yo na nong malaman naming nawala ka ay hinanap ka namin agad? Malay ba namin na may umampon pala sa'yo noon at di kana agad namin nahanap? And like I said, nahanap na kita n'ong 6 years ago kaso nalaman ko namang namatay ka raw? Mygod! Pina-imbistigahan pa kita ah!" sagot nito kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Nevermind, past is past. Let's just face the present, at kailangan pa naming hanapin ang nawawala kong anak." sabi ko.
"Huh!? May nawawala ka pang anak, Ashiya!? Naku naman! Ang drama ng buhay mo, sis!" sigaw nito kaya napalingon ang mag-ama ko samin.
Mag-ama. Ang sarap naman bigkasin.
"What's the problem?" tanong ni Khiel at binuhat si Skhy palapit sa'min. Pwede na namang iuwi si Skhy dahil medyo maayos na ang lagay niya at bumaba na ang lagnat niya.
Pero dumating si Akirra kaya medyo natagalan pa kami dito. Uuwi narin kami maya-maya. Si Mix ay di ko na nakita simula kanina, umalis ata.
"Nothing, brother in law. Natatawa talaga ako kanina sa'yo, pinaiyak mo 'yong kambal ko HAHAHAHA!" tawa nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Psh. I'm just kidding, alam ko naman na siya ang asawa ko, noon pa." sagot ni Khiel kaya pinandilatan ko siya ng mata.
"Uh-huh!? Tapos ay pinaiyak mo parin ako?!" sigaw ko kaya natawa si Akirra.
"Mom, don't shout please?" mahinanong sabi ni Skhy kaya ngumiti ako at pinisil ang pisnge niya.
"Hindi na, baby." sabi ko.
"Ashiya, sumama muna kayo sa'kin at ipapakilala ko ang asawa't anak mo sa Mom at Dad natin. Naghihintay na sila sa pagbalik mo." singit ni Akirra kaya napatingin ako sakan'ya at tumango.
"Okay lang ba?" tanong ko kay Khiel kaya tumango siya at hinalikan ako sa pisnge.
"Yep. Aalis naman talaga tayo kanina diba? Dahil okay na si Skhy, dumiretso nalang muna tayo sa bahay ng mga magulang mo. I want to meet your parents, love." sagot ni Khiel kaya ngumiti ako at napatango.
--
Nandito na kami ngayon sa kotse ni Khiel, si Akirra ay nasa sarili niyang sasakyan at siya na naman ang nangunguna at sinusundan lang siya namin.
"Mommy, sa'n po tayo pupunta?" tanong ni Skhy, nasa backseat siya at kumakain ng burger at fries.
"Pupunta tayo sa lola't lolo mo, Ler. My parents." ngiting sagot ko kaya napatango siya at nagpatuloy sa pagkain.
Napansin ko na simula n'ong sinabi ni Khiel na siya ang ama ni Skhy ay mas nabawasan ang pagiging cold ni Skhy. Well, hindi ko lang alam sa ibang tao.
"Khiel, nagkatuluyan pala sina Stella at Blake?" tanong ko nang maalala ang pagpunta namin last time sa bahay ng lola ni Khiel.
"Hmm? Yes, why?" sagot nito pero ang tingin ay nasa kalsada.
BINABASA MO ANG
I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)
RomanceAshiya Unique Siason was just an ordinary girl. Have a 2 supportive bestfriends, and a long time boyfriend. In their 3rd anniversary, balak n'yang ibigay ang virginity niya sa boyfriend niya, she went to Gil's Hotel. But what will happened if she go...