Chapter 27

439 31 0
                                    

SHIYA'S POV.

"Psh. Ang ingay ng sigaw mo kanina" reklamo ni Clay sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag mo na ipaalala yun pwede?" inis kong sagot kaya natawa siya.

"Sabagay, mukha ka kasing tanga nun pftt" tawa niya kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Why did you shout ngaba girl?! Are you inlove with Khiel ah?" biglang singit ni Laine sabay lagay ng ice cream sa table.

"Tsk! Ako? Inlove?? Di ah!" sagot ko.

"Dapat lang Ashiya kasi di ko parin nakakalimutan yung ginawa niya sayo sa mall psh" seryosong sabi ni Clay.

"Pero mukhang type kananaman ata ni Khiel eh" sabi naman ni Laine.

"Type? Asa ka, anlayo ni Shiya kay Stella" sagot ni Clay kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm just telling the truth Shiya. Wag kang umasa dyan kay Khiel. Sa tingin ko ay ginagamit kalang niya para pagselosin si Stella" seryosong sabi nito kaya napaisip ako.

Bat ngaba di ko naisip yun? Na baka dahil medyo sweet na si Khiel sakin ay ginagamit nyako? Naalala ko panaman na hate na hate nyako noon pero bigla syang nagbago na para bang di na niya ako kinamumunihan.

Ano nga ba ang rason niya? Ginagamit niya bako? Naghihiganti ba siya? Kanino? Kay Stella o saakin?

Di ko na alam. Gulong gulo ako dahil sa sinabi ni Clayla. Kaya hanggang sa gumabi ay wala akong imik. Dahil sa nangyari kanina ay chinichismisan nila ako. Yung mga employee at stuff ni Khiel.

Narinig ko pa kanina ang chismis ng model na malandi daw ako. Na desperada nadaw ako kaya ako gumawa ng esksena kanina. Di din kami nag usap ni Khiel kasi busy siya.

Nandito kami ngayon sa bus, kasama ko yung ibang stuff. Yung iba naman ay nasa labas. Gumagawa ng tent. Sa tent daw kasi kami matutulog.

"Heyoww Ipaglaban girlllll!!!" rinig kong sigaw ni Ice kaya napatingin ako sakanya.

May hawak siyang cup ng ice cream at dumidila pa siya sa kutsara.

Kita kong napatingin ang ibang stuff sakanya kaya inirapan niya ang mga ito.

"Pinagtitingin niyo? Gusto niyo? Luh, asa pa kayo psh" mataray na sabi nito at lumapit sakin.

"Okay kalang ba? Kanina kapa walang imik" sabi nito kaya ngumiti ako.

"Okay naman, maganda padin HAHAHA" tawa ko kaya napatingin siya sakin ng seryoso.

"Bakit?" taka kong tanong kaya umiling siya.

"Wala, para kasing may iba sayo" sagot niya habang dumidila sa kutsara.

"Wala namang nagbago. Maganda at single padin ako" sagot ko kaya natawa siya.

"Weh? Single? Eh kung makasigaw ka nga kanina parang ayaw mong maagaw si Khiel eh" tawa niya kaya natahimik ako.

"Trip trip ko lang talaga yun psh. May galit kasi ako dun sa Stella" sagot ko kaya natawa siya.

"Ano? Resbakan naba? Tawagin ko si Meana. Ay bawal pala, baka magilitan ako ng ulo ni Silver HAHAHA" tawa nito kaya natawa din ako.

"Ikaw? Di paba kayo ni Stone?" tanong ko.

"Ewan. Pwede nating itawag na walang label ganun HAHAHA" tawang sagot niya pero kita kong may lungkot sa mata niya.

"Oy Ice. Ok lang ba talaga sayong walang label?" tanong ko.

"Hmmm? Actually, no. Pero anong magagawa ko? Gustong gusto ko siya. I mean, mahal ko na nga ata eh" sagot niya kaya napaisip ako.

"Mahal? Pano mo ba malalaman kung inlove ka?" tanong ko.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon