Chapter 13

511 34 0
                                    

Warning: There will be some matured scenes/words. Read at your own risk.

SHIYA'S POV.

Ilang oras na ang nakalipas matapos ang halikang nangyari kanina--ay este! Aksidenteng HALIK kanina.

Matapos mangyari yun ay nahihiyang bumalik na kaagad ako sa upuan namin.

Nakakahiya kasi! Lahat ng tao doon ay nakatingin samin, yung iba nandidiri, yung iba kinikilig at yung mga matatanda ay nagalit.

Hanggang ngayon ay tahimik parin ako. Patuloy yung sayahan nila.

Napatingin ako sa CP ko at tiningnan ang oras. 10:49 na ng gabi.

"Why are you quiet? Do you still thinking about that kiss? Tsk, don't worry it's just a kiss mas sobra pa nga ang ginawa natin dyan diba?" malamig na sabi ni Khiel na nasa gilid ko lang.

Napayuko ako atsaka napakagat sa labi. Bat kailangan pang sabihan mo?! Tskk!

Napatingin ako sa paligid at medyo kunti nalang yung tao, wala na masyadong matatanda.

"K-Khiel umuwi na tayo" mahinang sabi ko kaya ramdam ko ang pagbaling nya sakin.

Napabuntong hininga sya atsaka tumayo.

"Bro, u-uwi na kami" sabi nito kaya napatingin sakin ang mga kaibigan nya.

"Ganun ba? Sige, papatulugin ko narin tong si Meana mamaya, buntis pa naman toh" sagot naman ni Silver kaya napatayo ako at tiningnan sila.

"Pasensya na" mahinang sabi ko kaya ngumiti sila.

"Wala yun Ashiya! At isa pa mag-asawa naman kayo kaya natural lang ang halikan diba? HAHAHA" tawa naman ni Meana na may pagtutukso ang tinig.

Napangiwi ako atsaka ngumiti.

"Sige, alis na kami" paalam ko bago ako kinaladkad ni Khiel palabas.

Nang nasa bagahe na kami ng sasakyan nya ay napasama ang mukha ko nang bigla nyakong tinulak papasok sa sasakyan!

"Ano bang problema mo?! Nakakainis kana ah!" sigaw ko pero di nyako pinansin atsaka pumasok nalang sa driver seat.

Napabuntong hininga ako atsaka pinigilan ang sariling murahin sya.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana ng kotse nya.

Binuksan ko pa ang bintana ng kotse nya kaya napangiti ako.

Ang sarap ng simoy ng hangin at ang ganda ganda ng buwan ngayong gabi. Full moon!

"Kalimutan mo na yung nangyari kanina" inis na nilingon ko si Khiel.

"Kinakalimutan ko na nga eh! Ikaw naman tong nagpapa-alala sakin!" inis kong sagot kaya napairap sya.

"Atsaka lagot talaga yung bumangga sakin! Grrr! I will surely take my revenge!" iritang dagdag ko pa.

"Tsk, waitress yung bumangga sayo" malamig naman nyang sinabi kaya napatingin ako sakanya.

"Nakita mo?" tanong ko kaya tumango sya pero seryoso ang mukha, bakit kaya?

"I think she did that on purpose" seryosong dagdag pa nya kaya napaisip ako.

Sinadya nya? Bakit naman? Para matulak ako kay Khiel at mahalikan sya? Tsk! Ano nanaman bang mindset meron yun?!

Di nalang ako umimik atsaka tumingin nalang muli sa labas ng bintana.

--

Nakarating na kami sa bahay namin. Hinubad ko ang seatbelt atsaka lumabas ng kotse.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon