Chapter 41

458 26 0
                                        

SHIYA'S POV.

It's been 4 months since that happened, at yes, matiwasay naman ang naging buhay namin ni Khiel. Nahuli nadin yung sinasabi nilang muntik nang bumaril sakin, pero may bumabagabag parin sa utak ko, sinasabing hindi siya ang taong 'yun. Pero niwala ko nalang yun kasi maayos na ang naging buhay namin.

At ngayon, pupunta kaming hospital para malaman ang gender ni baby! Sobrang excited kaming lahat, yep. Sa sobrang excited namin ay halos lahat sila nandito, tita Ky, tito Cloud, Khiel, Clayla, Laine, Meana, Ice, Jake, Zark, Lexus, Jaydee, Stone, Silver and more. Di ko lang makilala yung iba kasi kinakabahan ako.

"Ano kaya yung gender ni baby?" bulong ko kay Khiel habang hinihintay namin na dumating si doktora, Khiel wants a woman doctor pftt, baka kasi mapatay niya daw pag lalaki ang tumingin sakin, haynaku. This possesive husband, di ko alam na may side siyang ganito.

"It's fine kahit anong gender niya, love. Ang importante ikaw ang ina." sabi nito kaya ngumiwi ako at kinurot siya sa bewang, natawa naman siya.

"Asus! Banat ka ng banat!" natatawa kong sabi kaya natawa siya at hinalikan ang kamay ko.

"Ehem, may single po dito beke nemen pwedeng memeye ne keye meglendeen?" rinig naming sabi ni Ice habang iniiba ang pagbigkas ng words. Natawa kami.

Seriously? Di parin ba umaamin si Stone sakanya? Naku, pag pinatagal niya pa yan baka magkagusto na si Ice sa iba. Nakwento kasi dati ni Meana yung naging story nila ni Silver, kung pano sila nagkakilala at kung pano naging sila ng totohanan. Well, parang may pagkasame kami ng pinagdaanan. And for Ice, it's been a year nadin pala na hinahabol niya si Stone, alam naming may feelings si Stone kay Ice, sadyang torpe lang ito at di umaamin. Napailing ako.

"Stone, jowain mo na nga toh para matahimik na." natatawang sabi ni Meana habang hawak ang tyan n'yang malaki na, 7 months na ata yung pinagbubuntis ni Meana that's why bantay sarado siya ni Silver. Next month na kasi ang due date niya sa panganganak ng babies nila. Astig eh, twins daw.

"Goodafternoon, I'm sorry at pinaghintay ko kayo, may pasyente din kasi ako sa kabila eh." napabaling kami sa nagsalita at ang doktora na ito. Nakangiti ito habang kinukuha ang gloves sa kamay niya.

Napatingin ito sakin at ngumiti.

"Are you the patient? Come here, darling." sabi nito kaya sumunod naman ako at lumapit sakanya.

"Sit down." utos nito at sinunod ko naman.

"So, ilang buwan na ito?" nakangiti niyang tanong habang hawak ang tyan ko.

"Ahmm almost 5 months," sagot ko kaya napatango siya at nagsimula nang tumayo at ginawa ang dapat niyang gawin, well I'm not that expert pagdating sa medisina kaya di ko alam kung anong ginagawa niya.

Basta ang alam ko lang ay pinahiga niya ako at seryosong napapatingin sa screen na nasa gilid namin.

"You hear that? That's your baby's heartbeat." nakangiti nitong sabi kaya napalakas din ang tibok ng puso ko. Omygod! My baby's heartbeat!

Pinaupo nyako at may tinuro sa screen.

"That's your child." sabi nito kaya napahawak ako sa bibig, I can't explain my feelings. OA man pero para akong ina na ngayon lang nalaman na magkaka anak siya.

"Wait." seryosong sabi nito at ewan ko, bigla akong kinabahan.

"B-bakit po?" utal na tanong ko kaya napaangat ng tingin yung ibang nandun.

"Ohhh nothing, akala ko ay may mali. Anyway, your baby is a girl. Congrats, Mr. and Mrs. Gil." nakangiti nitong sabi kaya napangiti agad ako.

Bumaba ako nang kama at di ko inexpect na sasalubungin ako ng yakap ni Khiel, nakapangiti ako.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon