Chapter 43

441 35 3
                                    

SHIYA'S POV.

Nang makarating na kami sa bahay namin ni Khiel ay naunang bumaba si Ice sa kotche at inalalayan ako pababa, si Clay naman ang umalalay kay Meana pababa.

Nang makababa ay nginitian ko sila.

"Ahmm, pwede niyo nakong iwan dito. Wala naman sigurong mangyayaring masama sakin eh." sabi ko kaya umiling si Ice.

"Hindi, Shiya. Dito na muna kami, for sure uuwi din naman agad si Khiel. Marami namang bantay dun sakanila kaya paniguradong uuwi na siya maya-maya." sabi ni Ice kaya napatango ako at nginitian sila ulit.

"Pasok na tayo," sabi ko kaya tumango sila at naglakad na kami papasok.

Habang papasok ay kita ko na agad ang ilang bodyguard na hinired nila tita samin. Well, more than 10 ata ang bodyguards sa bahay namin. Ayaw na nilang maulit na mangyari yun, 4 months ago.

Pagpasok namin ay umupo kaagad sila sa couch namin dito sa salas. In-on naman ni Ice ang TV at nanuod ng netflix, pinabayaan ko nalang.

"Ahmm gutom paba kayo? May gusto ba kayong kainin, girls?" tanong ko.

"Duh, Shiya. Kakagaling lang natin dun sa bahay ni evil grandma, andaming nakain namin dun. Kaya okay na kami, don't worry." ngiti ni Meana kaya natawa si Ice.

"Gusto ko pa naman sana si grandma kasi nirereto nyako kaso ganun pala ang trato sa'yo Shiya? Nako, kasing evil din pala ni Aicka noon." natatawang sabi ni Ice kaya nagtaka ako.

"Aicka? Sinong Aicka?" tanong ko kaya natawa si Meana.

"Nothing, Shay. Anyway, are you fine?" tanong nito kaya tumango agad ako at ngumiti.

"Oo naman, bat naman ako hindi magiging okay? It's fine, sanay nako. Mas sobra pa nga yung ginawa ng bagong gf ng ex ko sakin noon eh. Kung napalakas yun, baka nalaglag yung baby namin. Di ko pa naman alam na buntis ako that time." sagot ko.

"Ako, di nako magtataka. For sure, super sperm yung kay Khiel kaya nakabuo agad---aray ko bes!" hiyaw ni Ice nang tinampal siya ni Meana sa braso. Natawa ako.

"Tsk, still he's an asshole for me." biglang sabat ni Clay.

"Grabe naman Clay, ghinost kalang ni Kyle eh---charot." sabi naman ni Laine kaya sinamaan siya ng tingin ni Clayla.

"Ha? Sinong Kyle? Kilala ko ba yan, Laine?" sarkistong tanong ni Clay at bigla nalang ako natawa.

"Bagay talaga kayo non, Clay." sabi ko kaya napangiwi siya.

"Nah, mas bagay sila nung higad niya." sagot nito kaya tinawanan siya ni Laine.

"Bitter mo Clayla! Don't worry irereto kita sa kilala kong artista!" sambit ni Laine pero ngiwian lang siya ni Clayla.

"No thanks, Laine. I don't need boys in my life, I'm fine being single." irap na sabi nito kaya pati sina Meana at Ice ay natawa.

"Yan tuloy, napa english na siya." sabi ni Ice kaya mas lalo kaming natawa.

"Anyway, Meana. Next month or even this week kana pala manganganak, congrats ahhh! Triplets yiee," sabi ko kaya napangiti siya at hinimas ang tyan niyang malaki na.

"Thank you, ikaw din Ashiya. 3 months nalang manganganak kana din." sabi nito kaya ngumiti din ako.

"Sanaol, ako. When kaya magkakababy," biglang sabat ni Ice kaya natawa si Meana.

"Pag di na torpe si Stone, Ice. Aanakan ka agad non. Don't worry, super sperm din yun." natatawang sabi ni Meana kaya namula si Ice at inirapan ang bestfriend niya. Natawa ako.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon