Chapter 5

656 49 0
                                    


SHIYA'S POV.

"NAKAKAINIS TALAGA!!!!!" sigaw ko habang pinapadyak ang paa sa sahig at sinusuntok-suntok yung dingding.

"Wow! Grabeng suntok yan teh, pang bakla HAHA" tawa ni Laine kaya nilingon ko sya atsaka sinamaan ng tingin, natahimik naman agad sya.

Napabuntong hininga ako atsaka umupo.

Kumukulo ang dugo ko sa malanding ex ko! Lalo na yung pinalit nya! Kasi naman! Magpapalit na ngalang ng babae, yung pornstar pa!

Isa pa yung bwesit na lalaking Khiel nayun! Lakas ng apog! Eh di naman malaki!--ang bahay nila kasi sobrang laki--ng bahay nga! Tsk! Kainis!

"Binalaan na kita, Shiya. Di ka nakinig sakin tsk" biglang singit ni Clay habang malamig na tinitingnan ako.

Di ko naman maiwasang mahiya. Nakakabobo naman kasi talaga yung ginawa ko. Tsk bobo na nga, ginawa pang tanga.

Napailing nalang ako atsaka pinahiran yung luha ko. Di dapat iniiyakan yung lalaking yun! Tsk!

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring ito.

Kinuha ko ito atsaka binuksan.

Sino naman kaya tong tumatawag? Sinagot ko nalang.

"Hello?"

"SHIYAAAAAAAA!" nailayo ko ang cp sa tenga ko.

Ingay naman nito! Teka, sino ba toh?

"H-hello, sino po kayo?" taka kong tanong.

"Ow! You forgot me? I'm your tita Kylene!" sagot nito na-ikinataka ko. Tita Kylene who?

Nag isip naman ako at nanlaki kaagad ang mata!

"T-tita Kylene?!" gulat kong tanong kaya rinig ko ang tawa nito sa kabilang linya.

"Yes, it's me darling! By the way pwede ba tayong magkita? May sasabihin lang ako sayo"

"A-ahh hihi di ko po alam, ano po ba yun?" taka kong tanong.

"Sasabihin ko nalang kapag nagkita tayo ok? Let's meet this afternoon, I will text you the location. Bye Shiya!" sagot nya at agad na ibinaba ang tawag.

Napakamot naman ako sa ulo dahil sa inis!

Ano bayan! Another problem nanaman!

--

Nakaupo nako ngayon sa pinakadulo ng cafe.

Dito raw kasi kami magkikita ni Tita Kylene.

Naka order nako ng dalawang milk tea atsaka dalawang slice ng cake.

Another gastos. Tsk.

Habang sumisimsim sa straw ng milk tea ay natanaw ko na si Tita Ky na papasok sa cafe.

Umayos naman ako ng upo atsaka binaba ang milk tea sa lamesa.

Nang pumasok na si Tita Ky ay kumaway kaagad ako at nakita naman nya kaagad ako.

Naglakad sya papunta sakin atsaka umupo sa harapan ko.

"Tita, nag order napo ako para sayo" sabi ko kaya ngumiti sya.

"How nice of you, btw di ko na papatagalin toh, Shiya" sagot nito kaya medyo kinabahan ako.

Ok. Kalma.

"Ano po bang sasabihin nyo?" taka kong tanong.

"May irerequest lang sana ako" sagot nito na seryoso ang mukha.

Kinabahan nanaman ako.

"A-ano po yun?"

Ngumisi si Tita Ky atsaka sinalubong ang mga mata ko.

"Gusto kong ayain mo si Khiel ng kasal" sagot nito na ikinalaglag ng panga ko.

"PO?!"

Just what the fuck?! Another problem has arrived!

KHIEL'S POV.

"Bro, tingnan mo toh!" napaangat ang kilay ko kay Jake.

"What?" naiinis kong tanong kaya pinakita nya sakin ang isang picture na may kayakap na lalaki si Stella--- what the fuck?!

"Who's that bastard?" inis kong tanong habang masama ang tingin sa laptop ni Jake.

"He's Gavin Montero, the young billionaire in Paris. Pero di panaman confirm kung sila na ngaba ni Stella" sagot naman ni Zark kaya napakuyom ako sa kamay.

Humigpit din ang hawak ko sa baso na may lamang wine.

Inis na tinungga ko ito atsaka padabog na binaba.

"Kasalanan talaga ito ng babaeng yun!" inis kong sigaw habang masama ang tingin sa kawalan.

"Di mo parin ba alam yung reason nya kung bakit nasa VIP room sya ng gabing yun?" tanong naman ni Zark kaya inis na binato ko yung baso sa dingding.

"I don't care what's her reason! Naghiwalay parin kami ni Stella dahil sa katangahan nya!" galit kong sigaw kaya rinig ko ang tawa ni Jake. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Anong tinatawa mo dyan?!" inis kong sigaw kaya tuluyan na syang natawa.

"Nothing bro! Wag ka ngang highblood dyan! Nandito tayo sa barn mo para magrelax at hindi magalit tsk! Just chill ok? Wala dito yung kaaway mo" sagot nito kaya napabuntong hininga ako.

Yeah. I need to chill. Baka mapatay ko tong si Jake tsk.

Inis kong inagaw yung baso ni Zark na nasa kamay nya atsaka tinungga ito.

Tsk. Wala namang lasa.

Pumikit nalang ako atsaka sinubukang mag relax pero...

"KHIEL ASHTON GIL!!!!!!!!!!!" napatayo nalang ako bigla sa isang maingay na sigaw!

Who the fuck is that?! Bat pamilyar yung boses nya?!

Napalingon kami sa babaeng pumasok.

Shit! Sya nanaman?! Anong ginagawa ng babaeng toh dito?!

Inis na sinamaan ko sya ng tingin nang makasalubong kami ng tingin.

"What the hell are you doing here?!" inis kong sigaw pero ang ikinagulat ko ay nang ngumiti sya atsaka LUMUHOD?! WTF?!

"Khiel Ashton Gil!....... Will you marry me?" tanong nya na ikinalaglag ng panga ko.

JUST WHAT THE FUCK?!

--

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon