Chapter 50

372 22 7
                                    

AKIRRA'S POV.

"Pa'no ka napunta sa Gil's Hotel?!" tanong ni Mix nang makapasok pa lang kami sa kotche niya.

"Mahabang storya," sagot ko at isinuot ang seatbelt.

"Diba't sinabi kong hintayin moko sa sasakyan kagabi? Sa'n kaba pumunta huh?" inis na sabi nito at pinaandar ang sasakyan.

"Naiihi kasi ako eh, antagal mo. Anyway, naiuwi mo ba si Bev nang maayos?" tanong ko at iniwasang itanong pa niya kung ano talagang nangyari.

"Tsk. Oo, nakakainis din ang babaeng 'yon." seryosong sabi niya kaya tiningnan ko siya nang nagtataka.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Muntikan nang dalhin sa kung saan 'nong isang lalaki." sagot niya.

"Nag-alala ka?" tanong ko, nanunukso.

"What? No. Mas nag-alala ako sa'yo, Akirra." sabi nito, umiiwas ng tingin.

"Weh?" nang-aasar ko pang sabi kaya umirap siya at hindi nalang ako pinansin.

Ngumisi ako at tumingin nalang sa labas ng bintana. Naalala ko si Mr. Flirt. Well, di ko naman alam ang pangalan niya at wala akong planong kilalanin siya.

Sana naman at hindi na magtagpo ang landas namin psh.

--

KHIEL'S POV.

"Bro! Dinig ko na may inuwi ka daw na babae kagabi?! Totoo ba 'yon?!" boses agad ni Jake ang bumungad nanaman sa'kin. Tss, kahit kailan ay chismoso 'to.

"Aren't you awake, last night? You saw it tss." inis kong sagot.

"Di lang ako makapaniwala, bro! I mean, after 6 years, really?! Woah! Sino kaya 'tong lucky girl?" ngisi nito pero mas napangisi ako.

Naku, kung alam niyo lang, Jake.

"Hmm, she's Akirra." ngisi ko.

"Akirra who?" biglang sulpot ni Zark.

"My first love, let's say." sagot ko kaya nanlaki ang mata nilang dalawa.

"Woah! 'Yung sumagip sa'yo 'nong bata ka, Khiel?! Are you freaking serious?! Pa'no mo natatandaan 'yon e, higit 20 years na ang nakalipas?!"

"I don't know. They have the same face and... Attitude." ngisi ko nang maalala si Akirra.. Or let's say, my Ashiya.

"Naka move-on kana ba kay Ashiya, Khiel?" tanong ni Zark kaya napabuntong hininga ako at sumandal sa swivel chair.

"Hmmm..." sagot ko, nag iisip.

"Hindi pa diba?" ngisi ni Zark kaya napairap ako at tumayo.

Kinuha ko ang coat ko sa likuran ng swivel chair at nilagay sa balikat ko.

"Where are you going, bro?" Jake asked.

"My parents house." sagot ko at tinalikuran sila.

Paglabas ko nang office ay hindi ko na pinansin ang mga bumabati sa'kin. Dumiretso nalang agad ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko.

Habang nagd-drive ay may nahagip sa paningin ko. Ashiya.

Kasama niya ngayon ang lalaking sumundo sakan'ya kagabi. Itinigil ko ang sasakyan at bumaba. Sinundan ko si Akirra papasok sa isang bilihan ng mga damit.

"Wala kang magulang, Skhyler! HAHAHA!"

"Ampon!"

"Shut up! M-may daddy at mommy ako!"

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon