SHIYA'S POV.
"Sana pala bumili ako ng popcorn. Hays sayang" rinig kong sabi ni Ice kaya napatingin kami sakanya.
Panira ng moment amp. Pero mas okay narin.
"Ano? Tuloy niyo na daliii! Para din kayong sina Silver at Meana noon BWAHAHAHA" tawa nito kaya sinuway siya ni Meana.
"Tsk" rinig kong sabi ni Khiel at hinila ako paalis.
"Teka! A-aray!" angal ko dahil sa higpit ng paghahawak niya sa kamay ko.
Pilit ko namang kinukuha ang kamay niya sa paghahawak sakin pero sobrang higpit talaga! Amp! Pag ako nainis sisipain ko yung gitna nito!
"Teka nga! Bitaw kasi!" inis kong sigaw at tinulak siya.
Napabitaw naman siya sakin.
"Tsk! What the fuck is that Kyle doing here?!" inis nitong sigaw kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Abah malay ko! Bat ako tinatanong mo?!" inis ko ding sigaw pabalik kaya inis nitong sinabunutan ang buhok.
"Tsk! at bakit Iyah tawag niya sayo?! Tsk! Ang corny amputa!" sigaw pa nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Pake mo naman sa itatawag niya sakin?!" sigaw ko ulit pabalik.
Tumingin ako sa paligid at napatampal sa noo nang di ko alam kung nasan na kami! Puro matataas na kahoy ang nakikita ko, buwan lang din ang nagpapaliwanag sa paligid.
"Psh! Nasan na tayo nito?!" inis kong sigaw at napapatingin pa sa paligid.
"I don't fucking care!" sigaw niya kaya binatukan ko siya!
"Wag kangang sumigaw! Nahahawa ako sayo tanga!" inis kong sigaw kaya napa-aray siya.
"Kapag may cannibal na lalabas dito lagot ka saking taena ka!" inis ko pang sabi na ikinataka niya.
"Cannibal? What's that?" napairap ako.
"Di kaba nanunuod ng wrong turn?! Sabagay wala naman sa mukha mo na nanunuod ka ng horror!" sabi ko at kinuha ang cellphone ko sa shoulder bag.
Mabuti nalang at dala dala ko toh. Ni-on ko ang flashlight ng CP ko kasi nagsisimula nakong matakot sa dilim.
"What do you mean by that?! Na takot ako sa horror?! Psh the hell!" mura nanaman nito pero di ko siya pinansin at nagsimulang maglakad sa dinaanan namin kanina.
Tsk! Bat ba kasi ang laki ng hakbang niya! Nawala tuloy kami!
Rinig ko naman ang pagsunod niya sakin kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Pero napatigil ako nang marealize na ilang minuto na pala kaming naglalakad!
Taena! Nasan naba kami?! Ni-open ko ang CP at tiningnan ang signal! Amputcha! Walang signal amp!
"Nasan na tayo nito?!" inis kong sabi at hinintay ang sagot ni Khiel.
Pero walang sumagot.
"K-Khiel?" natatakot kong sambit at tumingin sa likuran ko.
Pero namutla ako nang makitang walang sumusunod sakin!
"K-Khiel?! Wag mo naman akong iprank oh!" sigaw ko at lumingon lingon sa paligid.
Nagsisimula nakong matakot. Lalo na't 30% nalang ang battery ng CP ko!
"J-jutay!!!! Kung san kaman nagtatago lumabas kana!" sigaw ko pa pero walang sumagot.
Bigla namang umihip ang hangin kaya nagtaasan ang balahibo ko at napayakap sa sarili.
BINABASA MO ANG
I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)
RomanceAshiya Unique Siason was just an ordinary girl. Have a 2 supportive bestfriends, and a long time boyfriend. In their 3rd anniversary, balak n'yang ibigay ang virginity niya sa boyfriend niya, she went to Gil's Hotel. But what will happened if she go...
![I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/265149672-64-k853423.jpg)