Chapter 31

519 40 0
                                        

SHIYA'S POV.

Naiinis na naglakad ako palayo doon atsaka dumiretso sa tent namin ni Khiel.

Kairita! Iniistress nyako putek!

Umirap ako atsaka minura siya sa isipan ko. Alam ko namang siya talaga ang sumara sakin dun kasi naiwan yung ribbon ng headband niya sa gilid ng pinto ng banyong pinasukan ko.

Isa pa tong si Khiel! Ayaw niya ba talaga maniwala sa mga sinasabi ko?! Palagi niya nalang kinakampihan ang magaling nyang ex!

Nang nasa tent nako ay inis ko itong binuksan at pumasok. Sinara ko naman agad ito atsaka inis na kinuha ang picture frame nina Khiel at tatlo nyang kaibigan.

Inis na tinuro ko naman ang pic ni Stella.

"Alam mo?! Nakakairita kana! Ganyan kaba talaga kadesperada na makuha si Khiel ulit?! Ikaw tong nakipagbreak tapos grrr!!!" inis kong sabi at kung di lang ako mabait baka naitapon ko na ang picture frame nila!

"Shiya?" napatingin ako sa sa zipper ng tent nang marinig ang boses ni Laine.

"Oh?" inis kong sagot at binuksan ang zipper.

Bumungad naman ang mukha nina Laine at Clayla.

"Lumabas ka nga dyan, andami mong drama" inis na sabi sakin ni Clay kaya umirap ako atsaka lumabas.

"Bat mo ba sinabutan si Stella, Shay?" tanong ni Laine kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sinong di magagalit pag kinulong ka sa banyo ng ilang oras, Laine?" sarkistong sagot ko kaya natahimik siya.

"Psh. Sana sinapak mo, nasan na ang Shiyang kilala namin? Naging babae kana?" sarkistong sabi din ni Clay kaya sinamaan ko din siya ng tingin.

"Naging lalaki bako huh? Clayla?" inis kong sagot kaya natawa siya.

"Ikaw nga sinampal mo lang si Stella eh! Kung sana sinuntok mo psh! Sayang" sabi naman ni Laine kaya nagtawanan kami.

"Kaya nga noh? Bat ngaba sinampal ko lang yun? Tsk. Nevermind, maybe next time" ngisi ni Clay kaya natawa kami.

"Pero Shiya, please naman mag ingat ka. Aware kanaman sigurong may bata sa sinapupunan mo noh?" seryosong sabi sakin ni Laine kaya napatango ako.

"Sorry, minsan kasi nadadala ako sa emosyon ko. Tsk nakakainis naman kasi ang Stella nayun, I mean yes. Di ako lumalaban sakanya noon kasi alam kong may kasalanan ako dahil nagbreak sila ni Khiel ng dahil sakin pero psh kailangan niya bang gawin yang ginagawa niya ngayon para lang mabalik si Khiel sakanya? Eh tangina din yang si Khiel eh, bat di niya nalang balikan si Stella para matapos na? Kaya ko namang buhayin ang bata kung wala siya eh. Di porket mahal ko siya ay-----!"

"MAHAL MO SI KHIEL?!" gulat na tanong nina Clay at Laine kaya nanlaki ang mga mata ko.

Mabilis kong tinakpan ang bibig nila atsaka pumadyak.

"Kailangan talaga isigaw?! Pano kung may makarinig?!" inis kong sabi.

Kinuha ko naman kaagad ang kamay sa bibig nila nang tumahimik na sila.

"Seryoso? Inlove kana dun? Ang bilis naman Shiya! Isang buwan palang kayong magkakilala ah?" tanong ni Clay sakin kaya napa 'tsk' ako.

"Di ko rin alam kung pano. Pa-fall din kasi yan eh tsk" sagot ko.

"Parang noon lang hate na hate mo si Khiel ah? Anong nangyari Ashiya?" gulat na tanong din ni Laine kaya nagkibit balikat ako.

"Hays. Totoo pala talaga ang kasabihang 'The more you hate, The more you love' yieee" tukso sakin ni Laine at kinurot ako sa tagiliran. Sinuway ko naman kaagad siya. Napangiwi naman si Clayla.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon