AKIRRA'S POV.
Nakarating kami sa bahay ni.. Teka lang, tanong ko nga muna kung anong pangalan nito!
"Anong pangalan mo?" tanong ko nang makababa siya sa sasakyan habang buhat si Lerler.
"You don't know?" he asked. Napairap tuloy ako. Obvious ba?
"Magtatanong ba 'ko kung alam ko?" mataray kong tanong kaya natawa siya.
"My name's Khiel Ashton Gil. But, you can call me love if you want." kindat nito atsaka naunang naglakad. Namula naman ako at napaiwas ng tingin.
Parang tanga 'to!
Sumunod naman ako sakan'ya, medyo natetense kasi ako dahil ngayon ko lang narealize kung gaano kaganda at kalaki ang bahay--mansion ng pamilya niya.
Habang naglalakad din kami ay may mga naglalakihang nakasuot ng black suit at black eye glasses. Ay wow, sosyal naman ng mga bodyguards dito. Sana all.
Nang makarating na kami sa pintuan ay bigla itong bumukas at may isang babaeng maganda na lumabas.
"Kuya Ashton!" sigaw nito at aakmang yayakap nang mapansin si Lerler. Bigla itong napahawak sa bibig. Hindi niya ako napansin dahil nasa likuran ako ng mag-ama. Charot.
"Omygod, kuya!? What the hell is this?! Bat may kasama kang bata at sino 'yang nasa likuran!? Naka-move on kana kay ate Shiya!?" sigaw nito.
"Tsk, lessen your voice, Kai! Para ka paring bata kung umasta," sagot ni love--este Khiel pala!
"Nye! So sino nga 'yan?! 'Wag mo sabihing pumatol ka sa babaeng may anak?!" sigaw nito kaya napairap ako. Mukha ba talaga akong ina ni Ler? Duh!
At sino ba 'yang Ashiya? Simula nang makilala ko 'tong si Khiel ay lagi nalang siyang binabanggit.
"Psh. I'm not, okay? This is Skhyler, my hmmm let's say, son." ngiti nito kaya nalaglag ang panga ng kapatid niya.
Bigla namang umalis si Khiel sa harapan ko.
"And this is ehem... Akirra, my.. friend?"
Nagulat ako nang biglang tumakbo ang kapatid niya at sumigaw.
"OMG MOMMY! 'Y-YONG KALULUWA NI ATE SHIYA NASA BAHAY!" huh?!
Rinig ko ang tawa ni Khiel kaya napalingon ako sakan'ya.
"Sino ba si Ashiya?" taka kong tanong.
Napalingon naman ito sakin at ngumiti.
"My wife and my greatest love." he answered and I don't know why pero medyo nasaktan ako sa sinabi niya.
Am I jealous? What?! No, hindi pwede. Wala akong balak maging kabit! The fuck, may asawa na pala siya bakit pa siya nakikipaglandian sa'kin?!
"Oh.. Nas'an siya?" tanong ko. Nagbaba pa ng tingin.
"Nasa harapan ko." sagot nito kaya mabilis akong napatingin sakan'ya. Nakatitig siya sa'kin.
Lumakas ang tibok ng puso ko habang nakikipagtitigan sakan'ya. Hindi ko alam kung bakit pero parang naiiyak ako. Para bang matagal kaming hindi nagkita e kasama ko lang siya kagabi at kanina.
"That's so cheesy." biglang sabi ni Lerler kaya napabitaw ako sa titig niya.
Nakalimutan kong nandito pa pala si Skhyler!
Skhyler. Medyo hindi ako sanay na ganun ang tawag sakan'ya dahil mas nasanay akong tinatawag siyang Lerler. Well, ako 'yong nagbigay ng pangalan sakan'ya. The day he born, 'yon din ang araw na kakagising ko lang sa hospital. Si Mix ang nagbabantay sakin that time and he asked kung anong gusto kong pangalan sa batang lalaki, at iyon na nga.
![](https://img.wattpad.com/cover/265149672-288-k853423.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)
RomanceAshiya Unique Siason was just an ordinary girl. Have a 2 supportive bestfriends, and a long time boyfriend. In their 3rd anniversary, balak n'yang ibigay ang virginity niya sa boyfriend niya, she went to Gil's Hotel. But what will happened if she go...