SHIYA'S POV.
"Haysss! antagal tumila ng ulan!" sambit ko sa sarili habang niyayakap ang sarili
Ilang minuto nako dito sa waiting shed at nilalamig nako. Ang lakas lakas ng ulan at wala manlang miski isang tao ang tumigil dito!
Kabobohan ko kasi eh! yung CP ko di na ma-on haystt!
Napaupo nalang ulit ako habang nakatitig sa mga sasakyang dumadaan. Bat ba walang taxi ang tumitigil dito? Hayst!
Napayuko ako atsaka napahimas sa tyan ko. Pangako anak, di na kita ipapahamak ulit.
Napaangat ako nang may narinig na busina sa harapan ko. Namuo ang galit ko nang makita ang pamilyar na sasakyan.
Ano?! bat siya nandito?! tsk!
Lumabas siya sa sasakyan na may dalang payong, tinakbo niya ang pagitan namin.
"Oh?" malamig na tanong ko sakanya pero di niya'ko sinagot at hinubad ang coat na suot.
A-akmang isusuot niya ito sakin nang pigilan ko siya.
"Wag ka ngang maarte Shiya" inis niyang sambit pero inirapan ko lang siya at kinuha ang hawak niyang payong. Binuklat ko ito atsaka nagsimulang maglakad.
Pero di pako nakakatatlong hakbang nang bigla niya akong hinila papalapit sakanya.
"Ano na Khiel?! paki bitawan ako pwede?!" galit na sigaw ko pero di niya ako pinansin atsaka dumikit saakin para makasilong sa payong.
Siya ang humawak nito atsaka ako hinila papasok nang kotche. Magpipiglas pa sana ako nang buksan niya na ang pinto ng passenger seat atsaka dahan dahan akong pinapasok.
Sinara na niya ito atsaka sumakay sa driver seat.
"Binilhan kita ng damit kasi alam kong maliligo ka sa ulan tsk tanga kapanaman" sambit niya kaya umirap ako.
"Mas tanga ka" sagot ko kaya tiningnan niya ako ng masama. Sinuklian ko din siya ng mas masamang tingin.
"Magbihis kana" sambit niya at binigay sakin ang isang paper bag.
Kinuha ko ito at tiningnan siya.
"Ano? di ka lalabas? gusto mo live show?" galit kong tanong kaya sinamaan nya ako ng tingin atsaka lumabas dala ang payong.
Umirap ako atsaka sinimulang hubadin ang basang damit. Nilagay ko ang CP ko sa upuan ng driver seat atsaka nagsimulang magbihis.
Di ko na hinubad ang undies ko kasi di naman niya ako binilhan. Duh, alangan namang uuwi akong walang suot na panty?!
Pero hinubad ko ang bra ko kasi basa at malaki naman ng binili niyang damit. Over size pa nga eh.
Nang makabihis ay nilagay ko ang basang damit sa paper bag at nilagay ito sa backseat.
Sumandal ako sa upuan at di nagsalita. Bahala si Khiel mag tayo dyan tsk.
Limang minuto na ang nakalipas at kumatok na si Khiel.
"Are you done?" tanong nito.
"Kanina pa" malamig kong sagot.
Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at umupo na siya sa driver seat. Nilagay naman niya ang payong sa backseat.
"Bat di mo sinabi? Tsk" inis nitong tanong.
"Bat ko naman sasabihin?" balik tanong ko kaya nagkatitigan kami. Masama ang titig namin sa isa't isa.
Ako ang unang umiwas atsaka pina-andar ang radyo ng kotche niya.
~ Take away your things and go, you can't take back what you said. I know I've heard it all before atleast a million times, I'm not one to forget, you know. I don't believe, I don't believe it. You left in peace, left me in pieces. Too hard to breath I'm on my knees right now, U-huh. I'm so sick of that same old love, that shit it tears me up. I'm so sick of that same old love, my bodies had enough o-ohhhhhh! That same old lov-----!~
BINABASA MO ANG
I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)
RomanceAshiya Unique Siason was just an ordinary girl. Have a 2 supportive bestfriends, and a long time boyfriend. In their 3rd anniversary, balak n'yang ibigay ang virginity niya sa boyfriend niya, she went to Gil's Hotel. But what will happened if she go...