Chapter 42

472 35 1
                                    

SHIYA'S POV.

"You can change in my bathroom," sabi ni Khiel nang makarating kami sa 3rd floor, at shit ang laki ng room niya dito!

"Seriously? May kwarto ka dito?" tanong ko habang pinapalibot ng tingin ang buong silid. Gray and black ang color ng kwarto niya, king size din ang kama niya, well expected ko na. May malaking painting pa siya sa.....wait.

"Is that me?" tanong ko habang nilalapitan ang malaking painting na may mukha ko!

"Hmm yes." ngisi nito kaya tinawanan ko siya.

"Really?! Obssess ka sakin noh? HAHAHA!" tawa ko kaya mas ngumisi siya.

"Maybe? Well, nilagay ko yan dito 2 months ago. Nung dumalaw tayo dito." sagot nito kaya napangisi ako at tiningnan ang mukha ko sa painting.

Ngayon ko lang natanto na medyo short pa pala ang buhok ko noon, ngayon kasi ay medyo mahaba na.

"Magpa short hair kaya ulit ako? Cute ko pala pag short hair," tawa ko.

"Hmm, you're pretty even if it's short or long hair." sagot ni Khiel kaya napangiwi ako.

"Ewan ko sayo, bolero!" sabi ko atsaka dumiretso sa banyo niya.

Kahit ang banyo niya ay napakalaki, kung iisipin ay parang kwarto nadin ito. Napailing ako, well mayaman eh.

Ni-locked ko ang pintuan atsaka hinubad ang suot kong jeans. Hays, basang basa yung jeans ko. Napaisip naman ako bigla, napaka familiar ng babae. San ko kaya siya nakita? Napailing ako atsaka hinubad pati underwear ko.

Kinuha ko ang twalya na nakasabit atsaka nilagay ito sa bewang ko. Natatabunan ang lower part ko. Di naman kasi nabasa yung damit ko sa itaas eh, yung jeans ko lang talaga.

Lumabas ako ng banyo at naabutan doon si Khiel na nakaupo sa kama. Naka hinga ako ng malalim nang makita ang pares ng underwear at skirt sa tabi niya. Kay Kai niya ata hiniram.

Napaangat siya ng tingin at ngumisi.

"You don't have anything underneath?" tanong nito kaya namula ako at hinagis sakanya ang nakuha kong bagay sa gilid ko.

"Shut up! Akin na ang skirt at ano!" sigaw ko kaya mas lalo siyang ngumisi.

"At ano, love?" tanong pa niya kaya nangilit ang ngipin ko at lumapit sakanya.

Aakmang hahawakan niya ako nang sinamaan ko siya ng tingin, tumawa siya.

"Wag moko hawakan ah! Hanggang bukas!" inis kong sabi pero tumawa lang siya kaya naiinis na hinablot ko ang panty at skirt sa tabi niya atsaka bumalik sa banyo.

Ni-locked ko ito atsaka sinuot ang panty at skirt, tinucked-in ko ang suot kong yellow and black stripe sa skirt na color black. Nice, it looks cool.

Pagkatapos ay sinampay ko ang basang panty at jeans ko sa sampayan dito sa loob.
Lumabas na agad ako pagkatapos non.

Paglabas ko sa banyo ay nakaupo padin si Khiel sa kama habang nakatutok sa cellphone niya.

"Tara na, baka hinihintay parin tayo dun." sabi ko kaya napaangat siya ng tingin, napatingin siya sa skirt ko at biglang sumeryoso.

"Damn, bat ba kasi yan pa yung binigay ni Kai tsk." sabi nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit? Di ba bagay sakin? Ang ganda nga eh!" inis kong sabi kaya tumayo siya at lumapit sakin, hinawakan nyako sa bewang.

"Yeah, Shiya. It damn looked good on you,pero kita ang mapuputi mong hita at may lalaki doon. Tsk." sagot nito kaya tinawanan ko siya.

"Sus seloso! Tara na nga! Ang OA mo." natatawang sabi ko at hinila na siya pababa.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon