Chapter 6

669 48 0
                                        

SHIYA'S POV.

"WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT?!" sigaw nitong kumag natoh.

Like duh. Sa tingin nya ba ginusto ko toh? Excuse me! Ni-hindi ko gustong pakasalan toh!!

Kung di lang talaga para kay tita Kylene. Naalala ko nanaman tuloy yung usapan namin.

- FLASHBACK -

"PO?!" di ko namalayang napatayo na pala ako!

Nakita ko namang pinagtinginan ako kaya kaagad akong umupo.

Tiningnan ko naman si Tita Kylene.

"Tita, di ko po kayang gawin yang inuutos nyo. Ni-hindi ko gusto yang anak nyo! Like duh! Nakakainis kaya sya!" sabi ko kaya natawa sya.

"Ikaw palang ata umayaw sa anak ko" sagot nito kaya napangiwi ako.

Bat ako lang? Marami bang nagkakarandapang babae dyan sa kumag na Khiel nayun? Like duh! Di naman sya gwapo! Ayy... Well, gwapo naman talaga sya pero kumag parin! Nakakainis yung ugali nya! Like duh!

"Basta po, ayokong pakasalan yung lalaking yun!" angal ko kaya kita ko ang seryosong mukha ni Tita Kylene. Di ko naman maiwasang kabahan. Nakakatakot si Tita Ky kapag seryoso.

"At pano pag nabuntis ka Ashiya? Di ko naman gustong maghirap yung apo ko" sabi nito kaya medyo nainis ako.

"Tita, di naman po porket di ako mayaman ay di ko kayang alagaan at palakihin yung anak ko... Yun po, kung magkaka-anak ako! Pero sa tingin ko di naman ata" sagot ko.

"Kahit na Shiya, may rules ako sa anak ko. Once na maibigay nya ang virginity sa isang babae ay papakasalan nya ito, at kapag nabuntis ka ayaw ko namang mawalay ako sa apo ko" sabi naman nito kaya napakagat ako sa straw ng Milk tea.

"Kaya please, gawin mo na yung inuutos ko. Para naman toh sayo at sa anak ko at sa apo ko.. Kung meron man" dagdag pa nito kaya napaisip ako.

Anubayan! Problema nanaman toh eh!

"P-pero kasi--!"

"Sige na Ashiya please??? Please??" napabuntong hininga naman ako.

"Okay po. Gagawin ko na" sagot ko na ikinalawak ng ngiti nya.

--

At ayun! Napa-oo tuloy ako tsk!

"ANSWER ME, YOU BITCH!" sinamaan ko ng tingin si Khiel dahil sa malakas nyang sigaw.

"BAT KABA NANINIGAW?! ATSAKA ANONG 'BITCH'?! TSK! WALANG DAGAT DITO!" inis ko ding sigaw kaya sinamaan nyako ng tingin. Ganun din ang ginawa ko sakanya.

Abah! Anong akala nya? Papatalo ako? Di porket gusto ng mama nya na pakasalan ko sya ay magpapakabait nako sakanya!

"Tsk shut up!" inis nyang sigaw kaya tumayo ako atsaka inirapan sya.

"Ako pa talaga ang sinabihan mo ng 'shut up'?! Like duh! Ikaw kaya yung naninigaw dyan!" iritang sigaw ko rin.

"Anong sinabi mo kanina?" galit nyang tanong kaya napangisi ako.

"Let's get married" sagot ko pero masamang tingin lang ang nakuha ko.

"And why would I marry you?" taas kilay nyang tanong kaya napangisi ako.

"Edi itanong mo sa nanay mo" sarkisto kong sagot kaya tinulak nyako sa malapit na dingding.

Sakit nun ah?

"Answer me nicely!" galit nyang sigaw kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Edi sagutin mo din ako ng matino!" sigaw ko rin kaya nagsamaan ulit kami ng tingin.

"I won't marry you" seryosong sagot nya at aalis na sana nang tumawa ako.

Naiinis naman nya akong nilingon.

"Wala kang magagawa. Papakasalan mo parin ako, kasi pano pag nabuntis ako? Edi kailangan talaga panagutan moko" ngising sabi ko kaya naiinis nya akong tinulak ulit.

"I don't care if you'll get pregnant, I won't marry you" madiing sagot nya kaya na-ngingising kinuha ko ang cellphone sa bulsa.

Hinanap ko doon ang video.

Pinakita ko yun sakanya. Pero di ko pa pini-play yung video.

"Papakasalan moko o ipopost ko toh?" tanong ko kaya sinamaan nyako ng tingin.

Well, ang pinakita ko lang namang video ay yung scandal namin! Myghod! Di ko alam na may cctv pala sa kwartong yun at nakuha ni Tita Ky yung vid!

Tiningnan ko si Khiel pero ngumisi lang sya.

"Who cares about that video? Ikaw naman yung pandidirian at hindi ako" sagot nya pero ngumisi lang din ako.

Like duh. Di ako papatalo.

"Hmm.. Talaga? Ok lang naman yun, pero di mo ba naiisip kung anong mararamdaman ng ex-girlfriend mo? Hmm.. Ano kayang magiging reaction ng ex mo kapag nakita nya toh? Lalo na't naririnig ang ungol mo dito. Sa tingin ko, maiisip nya palang na maligaya ka sa ibang babae ay matutusok ang puso nya at-----!"

Di ko natapos ang sasabihin dahil tinulak ako ng malakas ni Khiel pasandal sa dingding.

Masamang masama ang tingin nya sakin na para bang handa syang pumatay ng tao.

"Don't you dare send or post that goddamn video!" galit nyang sigaw atsaka sinuntok ang dingding sa gilid ko.

Napapikit naman ako pero sandali lang yun.

Sinalubong ko ang mata nya.

"Ano? Masakit ba? Hmm isip palang yan ah? Pano pa kaya pag totoo na?" ngising tanong ko at aakma nya akong sasampalin pero pinigilan sya ng dalawa nyang kaibigan.

"Bro! Tama na! Babae parin yan!"

Masamang masama ang tingin sakin ng kumag samantalang ako ay nakangisi.

"Miss, umuwi kana please lang" sabi naman sakin ng naka kulay blue na damit.

Umuwi? Tsk! Ayoko nga! Di ko pa nakukuha ang kailangan ko.

"Sagutin moko, Khiel. Ano na? Papakasalan moko o ipopost ko toh?" tanong ko at nagulat ako nang kumawala sya sa kaibigan nya atsaka ako sinandal ulit sa dingding.

Paulit ulit sis?!

"Sure kabang gusto mokong pakasalan? Kasi, magsisisi ka talaga kapag sumagot ako ng 'oo' " bulong nya sakin at medyo nakilabutan ako.

"Sagutin mo nalang, Khiel" sabi ko naman kaya rinig ko ang ngisi nya sa tenga ko.

"Fine. I accept your proposal but I hope you won't regret it, later" bulong nya atsaka ako tinalikuran.

Nakahinga naman ako ng maluwag atsaka binalik sa bulsa yung cellphone ko.

Inayos ko yung damit ko atsaka ako lumabas doon.

Tinawagan ko naman kaagad si tita Ky.

"So, ano Shiya? Umu-o ba?"

"Opo. Proposal accomplished"

Sana nga di ako magsisisi dito.

--

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon