Chapter 50

9.6K 203 2
                                    


Blaire Marie

TATLONG araw na ang lumipas simula no'ng umalis si Mr. Brent para sa business trip nito sa Palawan. Tatlong araw ko na rin iniisip ang sinabi nito bago ito umalis.

"I have to tell you something but I am afraid to lost you for the same reason" Naalala ko pa na wika ni Mr. Brent sa malungkot na boses. Tinanong ko naman ito kung ano ang gusto nitong sabihin pero tinalikuran na ako nito para maglakad na paalis. "Wait for me, sweetheart" Narinig ko pang sabi nito habang nakatalikod.

Ipinilig ko nalang ang aking ulo para mawala ang iniisip ko at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng school. Saglit naman akong napatigil sa paglalakad no'ng marinig ko na tumunog ang aking cellphone.

Sabik ko namang kinuha mula sa bulsa ng suot kong pantalon ang cellphone ko dahil inakala ko na si Mr. Brent iyong tumatawag. Nadismaya naman ako no'ng makita ko sa screen ng cellphone ko ang unregistered number, hindi si Mr. Brent ang tumatawag.

Nakaramdam naman ako ng inis dahil dalawang araw na akong hindi naaalala ng lalaking 'yun. Mukang nakalimutan na ako nito at talagang naiinis na ako. Bwesit!

"Alam ko naman na busy siya 'no! Pero sana manlang naalala niyo ako kahit isa, dalawa o tatlong minuto. Hays!" Inis na bulong ko pa sa sarili bago ko pinindot ang aking cellphone para sagutin ang tumatawag.

"Hello? Sino 'to?" Medyo napalakas ang tono na bungad ko sa tumatawag. Naiinis pa rin kasi ako tapos baka manti-trip lang itong tumatawag sa akin.

"I am sorry Ms. Rentoria, this is your private investigator, Mr. Jimenez" Pakilala ng nasa kabilang linya kaya naman napamulaga ako at namula bigla ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"A-ay kayo pala Mr. Jimenez, sorry po" Paumanhin ko dito na napatungo pa kahit hindi naman ako nito nakikita. Nakalimutan ko palang isave ang number nito sa cellphone ko. Hays!

"That's ok Ms. Rentoria, I just call you to inform you that there's already a result to our investigation and----"

Napakakunot-noo ako no'ng mawala bigla ang boses ni Mr. Jimenez sa kabilang linya.

"Mr. Jimenez?" Tawag ko pa dito pero wala akong response na nakuha kaya naman tiningnan ko ang aking cellphone. Nainis ako no'ng mapansin ko na patay na ito. Hays! Ngayon pa talaga nagloko!

Inis na pinagpipindot ko ang aking cellphone pero hindi na iyon mabuhay. Napabuntong-hininga nalang ako. Siguro naman ay makikipagkita nalang sa akin si Mr. Jimenez since alam naman nito ang lugar ko.

"Hi, little princess" Bati sa akin ng isang pamilyar na boses. Lihim akong napairap dahil sa pagtawag nito sa akin ng little princess. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang bata ko pa.

"Ano na naman ba 'yun Yuan?" Nakasimangot na baling ko kay Yuan. Inakbayan naman ako nito bigla dahilan para mapalakad na ako.

"Did you take your breakfast?" Nakangiting tanong nito sa akin. Pilit ko namang inaalis ang pagkakaakbay nito sa akin pero hindi pa rin ito bumibitaw.

TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon