Blaire Marie
NAKATULALA ako sa kisame pagkagising ko. Pinipilit ko na alisin ang tampo ko kay Mr. Brent dahil sa pang-i-indian nito sa akin sa dapat ay date namin kagabi. Naiinis na tumayo nalang ako sa higaan ko para magtatalon para subukang punuin ng good thoughts ang utak ko.
Nakakailang talon na ako sa ibabaw ng kama ng mapansin ko ang isang rose na nakapatong sa side table. Kinuha ko iyon at agad na napangiti. Parang nawala bigla ang tampo ko kay Mr. Brent. Mababaw lang naman kasi ang kaligayahan ko at mabilis lang din mawala ang tampo ko.
Nakangiting inayos ko ang aking sarili para bumaba na at makita si Mr. Brent. Pagkababa ko ay agad akong dumiretso sa kusina dahil may naamoy akong nasusunog.
"What's that?" Gulat na tanong ko pagkapasok ko ng kusina dahil ang nakita kong nakahain sa table ay tutong na itlog at hotdog.
Nawala ang pagkagulat ko at napalitan iyon ng ngiti ng makita ko si Mr. Brent na tagaktak na ang pawis habang nakatingin sa akin. Napangiti akong lalo ng makita ko ang hawak nitong tsansi sa kanang kamay at takip ng kaldero sa kabilang kamay. Nakaapron din ito at nakasuot ng cap na pangchief.
"Bakit may hawak kang takip ng kaldero Mr. Brent?" Natatawang tanong ko dito. Tiningnan nito ang hawak na takip ng kaldero na nasa kaliwang kamay nito bago tumingin sa akin.
"Protection" Balewalang sagot nito.
"Protection for what?" Pigil ang tawang tanong ko ulit dito.
"For oil. They are attacking me and i don't know how to stop them" sagot nito na parang nagsususumbong sa akin. I find him cute.
"Baka kasi kumain ka ng tae" Natatawa pa ring sabi ko dito. 'Yun kasi ang kasabihan ng mga matatanda noon, na kapag kumain ka daw ng tae noong bata ka pa ay matatalsikan ka talaga ng mantika sa tuwing ika'y magluluto.
"What?" Nalilitong tanong nito. Mukang hindi nito naintindihan ang sinabi ko. Natawa naman ako.
"Wala. Mukang nasusunog na ang niluluto mo ah" wika ko dito na ikinatingin nito sa niluluto nito. Bigla naman akong nataranta ng makita ko na umuusok na ang kawali.
"Hell no!" Gulat na reaksiyon ni Mr. Brent na nagmamadaling hinango ang kawali. Ako naman ang nagpatay ng stove. Natawa ako pagkatapos niyon. Napangiti naman sa akin si Mr. Brent at nagkatitigan kami.
"Ehem! Naglandian ang dalawa" Narinig kong wika ni Kent kaya nawala ang pagkakatitig naming dalawa ni Mr. Brent sa isa't-isa. Nalingunan ko si Kent na ngayon ay may pilyong ngiti. Sinamaan ko ito ng tingin. "Naglandi ng pagkain" Iwas ni Kent na may pigil na tawa. Ibinaling nito ang tingin sa mga nilutong pagkain ni Mr. Brent na halos sunog. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na tumawa
"Si Mr. Brent ang nagluto niyan" Nakangiting wika ko kay Kent habang nakatingin kay Mr. Brent na inalis na ang suot na apron.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kent.
"Yeah" Natawang sagot ko dito. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Kent.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...