NASA elevator na kami ngayon ni Yuan papunta sa opisina ni Mr. Brent pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagsasalita. Lihim akong tumingin dito na ngayon ay diretsong nakatayo lamang at walang imik.
"May nasabi ba akong mali kanina, Yuan?" Tanong ko dito, nagbabakasakaling sasagutin nito ang tanong ko.
"No. I'm just thinking of something" walang emosiyon na sagot nito.
"Ah ok" sagot ko na lamang, sakto namang bumukas ang elevator at sumalubong sa amin ang ilang staff ng kompanya.
"Good morning, sir" Bati ng mga ito kay Yuan na para bang kilalang-kilala na ng mga ito. Siguro ay matagal na rin itong pumupunta dito.
Malapit na kami sa opisina ni Mr. Brent ng sitahin ako ng babae na nagtaray din sa akin no'ng unang beses akong pumunta dito, 'yong secretary.
"Do you have any appointment with Mr. Brent Davin Alejandro, miss?" Mataray na tanong nito sa akin na tinaasan pa ako ng kilay.
"Obvious ba?" Nakataas ding kilay na tanong ko dito.
"I don't remember na may ime-meet ngayon na babae si Mr. Alejandro. I know all of his schedule" Nakangiti nitong wika na alam kong paraan nito para asarin ako.
"Baka naman kasi nagka-amnesia ka, Ms. Secretary?" Tanong ko naman dito habang nakangiti.
"Hahaha! You are funny. Talking to you is a waste of time. Can you just leave?" Tanong nito sa naiinip na tinig. Alam kong gusto na ako nitong umalis.
"She's with me" Biglang singit ni Yuan sa usapan namin ni Ms. Secretary na parang inip na inip na. Hawak na nito ang doorknob ng pintuan ng opisina ni Mr. Brent habang nakatingin sa amin ni Ms. Secretary. Napansin ko na namutla bigla iyong secretary.
"I'm sorry, sir" Paumanhin nito kay Yuan na ngayon ay seryoso lang naman ang mukha.
"Come with me, Ms. Blaire Marie Rentoria" Baling naman sa akin ni Yuan.
"Ok, Mr. Yuan Lee" Nakangiting sagot ko naman dito bago muling bumaling doon sa secretary para bigyan ito ng matamis na ngiti. Inirapan naman ako nito. Alam kong mas nadagdagan ang inis ito sa akin ngayon.
Pagkapasok namin sa opisina ni Mr. Brent ay naabutan namin itong busy sa pagtitipa sa laptop nito. "Good afternoon, Mr. Alejandro" Bati dito Yuan.
"You can take your seat, Mr. Lee" Balewalang wika naman nito kay Yuan. Mukang hindi nito naramdaman ang presensiya ko kaya nagkusa nalang akong umupo sa katapat din nitong upuan, kaharap ni Yuan.
Nang sa wakas ay maramdaman siguro nito ang presensiya ko ay bigla itong tumingin sa akin at napakunot-noo. "What are you doing here?" Tanong nito sa akin.
Napansin ko na napatingin sa amin si Yuan. Nginitian ko naman si Mr. Brent at itinaas ko sa harap nito ang dala kong pagkain. Tiningnan lang nito ang dala ko bago tumayo sa kinauupuan nito.
Hindi na ako nito pinansin. Suplado.
"Let's talk about our business, Mr. Lee" wika ni Mr. Brent na pumunta na sa single sofa na naroon at umupo. Sumunod naman dito si Yuan at umupo din sa katapat ng inuupuan nito. Nasa gitna ng mga ito ang isang maliit na lamesa.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...