"Hey sleepyhead" Narinig kong wika ng isang boses habang nagkukusot ako ng aking mga mata at nag-uunat ng mga braso. Humikab pa ako dahil medyo nakakaramdam pa ako ng antok. Narinig kong may tumawa ng mahina kaya bigla akong napamulat.
"Oh my God!" Gulat na reaksiyon ko no'ng makita ko si Mr. Brent sa may pinto habang nakasandal at nakacross-arms. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti.
Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto at noon ko napagtanto na ako nalang pala ang nandito. Nataranta ako bigla at napatayo sa higaan.
"Late na ako, late na ako" Natatarantang paulit-ulit kong sinasabi habang naghahagilap ng mga damit na isusuot.
"Pfffft slow down, sweetheart" wika ni Mr. Brent no'ng muntikan na akong madulas dahil sa pagmamadali. Hindi ko nalang ito pinansin at nagmamadali pa ring kumilos. Ngayon na ang last day namin dito at late pa ako. Tsk!
"Ano ba ginagawa mo dito Mr. Brent?" Tanong ko dito habang kumukuha ng mga gamit. Sa Hotel nga pala ako nakaassign ngayon.
"Staring at you" sagot nito pero hindi ko na ito pinansin dahil natataranta na talaga ako.
Nagmamadali na akong pumunta ng CR para maligo saglit. Ayaw ko naman maging mabaho habang nagtatrabaho. Ang 20 minutes na dapat paliligo ko ay ginawa ko nalang na 10 minutes. Lumabas ako ng CR na nakabihis na. Nagulat pa ako dahil paglabas ko ay naabutan ko pang nakaupo sa gilid ng kama si Mr. Brent.
"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko dito habang nagsusuklay.
"Waiting for you" sagot nito. Napabuntong-hininga ako. Bakit ba ngayon pa naisipan ni Mr. Brent ang maglambing kung kailan nagmamadali ako? Tiningnan ko ito saglit.
"Bakit naman?"
"To invite you for breakfast" sagot nito. Tiningnan ko saglit ang itsura ko sa salamin bago tumingin kay Mr. Brent.
"Maybe later" sagot ko dito bago nagmamadaling lumakad palabas sana ng aking kwarto pero napatigil ako at saglit na tumingin kay Mr. Brent na nakaupo pa rin sa gilid ng kama at nakatingin sa akin.
"I love you Blaire Marie" sabi nito na ngumiti pa ng bahagya sa akin. Napangiti din tuloy ako.
––
10 AM na at nararamdaman ko na sa mga oras na ito ang pagkalam ng aking sikmura dahil hindi ko na nagawang kumain ng breakfast kanina sa sobrang pagmamadali. Nagalitan pa nga ako ng prof. namin at hindi ko maiwasang hindi mainis kay Marigold dahil hindi manlang ako nito nagawang gisingin kanina. Hindi ko tuloy ito pinapansin ngayon. Napabuntong-hininga ako.
Naisipan ko nalang maglakad papunta sana sa Restaurant para kumain muna since may breaktime naman kami. Napatigil ako sa paglalakad ng harangin ako ng isa kong kaklase.
"Blaire, may naghahanap sayong guest sa room 305. Sige mauna na ako" wika ng kaklase kong babae na agad umalis pagkasabi sa akin no'n.
Napabuntong-hininga nalang ako at napairap. Napahawak nalang ako sa tiyan ko no'ng tumunog iyon. Napalabi ako at nagsimula nang maglakad papunta sa room 305. Hindi ako pwede magreklamo dahil OJT ako at customer naman 'yun.
Pagkarating ko sa room 305 ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Nadatnan ko pa ang isang babae na medyo may kaedadan na pero sophisticated pa rin ang dating. May hawak pa itong tea cup at naabutan ko pa itong iniinom iyon.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...