TCHM: Kabanata 5

12.6K 357 14
                                    

NAPANSIN ko na nakatitig lamang ito sa mga dala kong pagkain. Napailing ako bago kumuha ng isang piraso ng kamatis at walang sabi-sabing isinubo iyon sa bibig nito.

"What do you think are you doing?" Tanong nito matapos kumuha ng tissue at iluwa doon ang isinubo kong pagkain.

Napasimangot naman ako sa ginawa nito.

"Sinusubuan ka" Balewalang sagot ko dito.

Narinig ko lang itong umasik ng mahina. Hindi na ako nito pinansin pagkatapos. Bumalik na ito sa kung anumang ginagawa nito.

"You should eat this food, sir. Bayad ko ito kay Kent e" Pagkausap ko dito para lang mabasagin ang nakakabinging katahimikan.

"Then give it to him" Wika nito sa malamig na boses na hindi manlang ako tinapunan ng tingin. TSK!

"Kung ayaw, edi wag" Pabulong na wika ko dito. Akmang isusubo ko na ang kamatis na hawak ko ng makita ko itong tumingin sa akin, siguro narinig nito ang sinabi ko. "Gusto mo?" Tanong ko dito na ipinakita pa ang hawak na kamatis.

"Get out" sagot naman nito.

"Ang sama naman" Napasimangot ako sa inasal nito. Hindi ko rin naiwasan ang mapabuntong-hininga.

"Just leave me alone" Ulit nito na para bang gustong-gusto na akong mawala sa harapan nito.

Napanguso naman ako na siya namang nagpakunot-noo dito. 

"Ok" May himig hinanakit na wika ko dito. Akmang tatayo na ako ng bigla namang bumukas ang pintuan ng opisina ni Mr. Brent Davin Alejandro.

"Sorry for interrupting" wika ng lalaking kapapasok lamang.

Napalingon ako sa may pintuan at mula roon ay nakita ko si Kent Jose Alejandro na nakasuot pa ng business attire.

"Hoy Kent? Bakit ngayon ka lang huh? Bakit hindi mo sinabi na hindi ka lang basta employee dito?" Sunod-sunod na tanong ko dito sa medyo mataas na tono.

Ang totoo ay narinig ko naman kahapon ang usapan ng mga babae sa school na isa ngang Vice President si Kent pero hindi ko naman pinaniwalaan iyon. Ngayon ay napagtanto ko na minsan din pala ay may katotohanang nasasabi ang mga tsismosa.

"I don't have time for interrogation. Where's my uniform and my lunch?" Diretsong tanong din nito na umupo na sa isa pang upuan sa harap ko. Parehong nasa harapan na kami ni Mr. Brent Davin Alejandro.

"Can both of you please leave me alone?" Pukaw sa amin ni Mr. Brent na ngayon ay nakatingin na sa amin ni Kent.

"Can I stay here for a while, k-kuya? I'm really starving" Wika naman ni Kent sa kuya nito na parang naiilang pa.

Tumingin dito si Mr. Brent pero hindi umimik. Hudyat siguro na "ikaw ang bahala". Pagkatapos magtinginan ng magkapatid ay muling bumaling sa akin si Kent.

"Where's my foods?" Tanong nito sa akin. Itinuro ko naman ang mga pagkain na nakahain sa mesa ni Mr. Brent. "Ano 'yan?" Gulat na tanong ni Kent matapos pasadahan ng tingin ang mga niluto ko.

"Tuyu at kamatis na may toyo? 'Yan lang ang madaling lutuin e. Tinanghali kasi ako ng gising Jose Alejandro" Sagot ko dito na umirap pa.

TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon