Blaire Marie
HINDI ko pa rin maiwasan na hindi mapatingin sa direksiyon nina Mr. Brent at Ms. Barbara na hanggang ngayon ay busy pa rin sa ginagawa. Napapalabi nanga ako dahil mukang mahalaga talaga kay Mr. Brent ang trabaho nito kaysa sa akin at sa pagkain nito.
Napabuntong-hininga nalang ako para alisin ang mga negative thoughts ko. Kailangan kong maintindihan na sobrang abalang tao si Mr. Brent at pinili ko ito bilang boyfriend ko kaya dapat lang na matanggap ko ang katauhan nito. I also made a promise that I will love him no matter what.
Pilit nalang akong ngumiti at bumaling nalang kay Kent na busy na sa pagkain. Pinauna ko na itong kumain dahil mukang matatagalan pa si Mr. Brent sa ginagawa nito.
Habang nakatingin sa ginagawang pagnguya ni Kent sa mga dinala kong pagkain ay napansin ko na sarap na sarap ito sa kinakain. Bigla akong napalunok-laway kasabay ng pagkalam ng aking sikmura. Napahawak ako sa tiyan ko para pigilan ang pagkulo ng sikmura ko. Gutom na ako!
Napatingin sa akin si Kent habang nakakunot ang noo. Narinig yata nito ang pagwawala ng mga bulate sa tiyan ko. Nginitian ko nalang ito kaya lalo itong napakunot-noo. Bumaling si Kent sa kinakain nito. Kumuha ito ng piraso ng chicken curry.
"Gusto mo ba?" tanong pa nito na iniuma na sa akin ang karne. Napatingin ako sa hawak nito at natakam ako bigla.
"Gusto ko sana" Nahihiya pang sagot ko kay Kent. Mas inilapit naman ni Kent ang piraso ng karne sa labi ko.
"Say ahh" Utos nito sa akin. Napatingin pa ako kay Kent bago nahihiyang ibinuka ang bibig.
"Ahh" sabi ko kasabay ng paglapat ng karne sa bibig ko. Napapangiting nginuya ko ang isinubo sa akin ni Kent.
"Salamat" Nakangiting pasasalamat ko kay Kent.
"Your welcome sislaw" Nakangiting sagot naman ni Kent sa akin. Nagkangitian kami sa isa't-isa.
"I'm done working" Biglang singit ni Mr. Brent na nakatayo na pala sa may likuran ko.
Inalis ko ang tingin ko kay Kent para bumaling kay Mr. Brent na sumikbay na sa akin sa upuan at biglang umakbay sa akin na ikinagulat ko. Napatitig ako nay Mr. Brent na wala naman ekspresyon ang mukha.
Napansin ko na nakatingin ito kay Kent kaya napatingin din ako kay Kent na parang natatawa. Napakunot-noo ako sa ikinikilos ng magkapatid. Mas napakunot-noo ako no'ng biglang itaas ni Kent ang dalawa nitong kamay na para bang sumusuko na.
Napansin ko na nakatingin pa rin ang kuya nito dito pero wala pa rin naman ekspresyon ang mukha ni Mr. Brent kaya nagtataka ako sa ikinikilos ni Kent na parang ewan. Weird!
"Suko na ako. I have to go sislaw. Thanks for the lunch" sabi pa ni Kent na mukang nagpipigil ng tawa.
Yuyuko pa sana si Kent sa akin para siguro yakapin ako no'ng hindi nito maituloy iyon dahil bigla nalang ding yumuko si Mr. Brent para kumuha ng pagkain na nakahain sa mini-table sa opisina nito kaya naman naharangan nito si Kent. Napapakamot sa batok at natatawang umayos nalang ng tayo si Kent.
"Sige una na ako Marie, Kuya" paalam nalang ni Kent na kumaway pa sa akin. Tinanguan at nginitian ko nalang ito bago ito lumabas ng opisina ni Mr. Brent.
Bumaling ako kay Mr. Brent no'ng tuluyan nang mawala sa paningin ko si Kent. Natigilan pa ako ng itinapat ni Mr. Brent sa labi ko ang kutsara na may lamang kanin at ulam. Napatitig ako dito at napakunot-noo. Nakatingin na ito sa akin habang hinihintay na kainin ko ang isinusubo sa akin.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...