Chapter 42

8.1K 191 4
                                    

Blaire Marie

KARARATING ko lang ngayon dito sa school. Napapangiti pa nga ako dahil kaaalis palang ni Mr. Brent na s'yang naghatid sa akin dito sa school. Nang hindi ko na matanaw ang kotse nito ay naisipan ko nang pumasok ng gate.

Malapit na ako sa gate ng magulat ako ng may bigla nalang humigit sa akin ng malakas na ikinatumba namin sa semento. Napakunot-noo pa ako no'ng malaman ko na si Yuan pala ang humigit sa akin at nakaibabaw ako ngayon dito.

Nang mapagtanto ko ang aming posisyon ay agad akong tumayo at pinagpagan ang suot ko ngayong palda. Napansin ko na may nakatingin na sa aming mga estudyante at isa na roon si Athena na panay kuha ng larawan sa amin ni Yuan–mukang kanina pa ito.

"I told you girls, hindi s'ya girlfriend ni Brent my prince charming" sabi pa ni Athena na halata sa boses na masaya ito.

Babalingan ko sana ito kung hindi ko lamang napansin ang isang motorsiklo na nasa hindi kalayuan mula sa aming kinatatayuan. Nakasakay sa motorsiklong iyon ang lalaking muntik na rin sumaksak sa akin. Ngumiti ito sa akin at pagkatapos ay may ipinakita pa itong baril sa akin. Bigla akong kinilabutan at kinabahan.

"Ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Yuan na ikinabaling ko dito.

"O-ok lang ako" sagot ko dito na agad bumalik ang tingin sa lalaking nakamotor pero wala na ito.

"Sino kaya s'ya?" Wala sa sarili na tanong ko.

"I know him" sagot naman bigla ni Yuan na ikinatingin ko dito. Napakunot-noo ako lalo na no'ng mapansin ko ang nakalaylay nitong isang balikat. Mukang napuruhan ito sa pagkakabagsak namin.

"Are you ok?" Nag-aalalang tanong ko na agad lumapit dito para suriin ang braso at balikat nito. Napansin ko ang gasgas sa braso nito dahil siguro sa semento na pinagbagsakan namin.

"Yeah----DAMN!" Natigil ang pagsisinungaling nito sa akin no'ng pisilin ko ang balikat nito. Halatang masakit iyon.

"Magsisinungaling pa e, tara na sa clinic" Akit ko kay Yuan na hinigit na ang isa nitong braso para makapasok na ng gate at makapunta na sa clinic.

"Ang landi talaga!" Narinig ko pang wika ni Athena. Hindi ko nalang ito pinansin dahil wala akong oras na makipag-away pa dito. Bahala ito sa buhay nito.

"Hey bitch!" sigaw pa nito pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hinihigit si Yuan.

Nandito kami ngayon ni Yuan sa loob ng clinic. Medyo maayos naman na ang balikat nito, may naipit lang daw na litid kanina dahil sa pagkakabagsak ko dito pero ayos na ito ngayon, 'yun ang sabi ng nurse.

Nakaupo lang ngayon si Yuan sa patient bed habang ako naman ay nakaupo sa isang upuan na naroon na nasa katapat ng higaan ni Yuan. Paalis na rin naman kami maya-maya. Actually ay hinihintay ko lang tumayo si Yuan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nakaupo lang doon si Yuan at hindi gumagalaw habang nakayuko. Hindi ko nga maiwasan na hindi mapakunot-noo sa tuwing napapatingin ako dito. Muka kasing ang lalim ng iniisip nito.

"May problema ka ba Yuan?" Hindi ko na napigilang itanong dito. Nag-angat naman ito ng tingin at tumitig sa mga mata ko na ikinailang ko bigla. Pakiramdam ko kasi ay parang may gusto itong sabihin sa pamamagitan ng mga titig nito. Napaiwas ako bigla ng tingin dito.

TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon