YuanGUMALAW ang aking bagang dahil sa pagpipigil ko sa aking galit habang nakatingin sa isang lalaki na nakatingin din sa akin habang nakangiti ng nakakaloko. Ito ang lalaking muntik ng pumatay kay Blaire kung hindi lamang yun napigilan ng boyfriend ni Blaire na si Brent. Alam ko ang lahat ng tungkol kay Blaire dahil madalas ko itong sundan. Inalis ko na ang aking tingin sa lalaki at pumunta na sa aking sasakyan na nakapark malapit sa kinaroroonan ng sasakyan ni Brent. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan mula sa loob ng aking kotse si Blaire na halata sa mukha ngayon ang sobrang pag-aalala sa boyfriend nito habang pinagmamasdan ang sugat nito sa kamay.
Nawala ang atensyon ko kina Blaire ng maramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone na nasa loob ng bulsa ng suot kong slacks. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili bago ko kinuha ang aking cellphone at sinagot ang tumatawag.
"What can you say?" Tanong sa kabilang linya at kahit hindi ko ito nakikita ay alam kong nakangiti ito. Nakaramdam nanaman ako ng sobrang galit. Alam ko kung ano ang tinutukoy nito.
"Can you fucking stop?!"
"Oh relax, it just a beginning" balewala nito sa galit ko. Narinig ko pa itong tumawa ng malakas at ang pagsasalin nito ng alak.
"I told you to stay away from her my dear, but you are so hardheaded so I decided to do my part" sabi nito na ikinahilamos ko ng aking kamay sa aking mukha. Napabuntong-hininga ako because of so much frustration. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Narinig ko naman sa kabilang linya ang pagtawa ng kausap ko na para bang ipinaparating nito sa akin na wala na akong magagawa. Huminga ulit ako ng malalim bago lakas loob na nagsalita.
"I CAN'T FORGIVE YOU ANYMORE! Hindi ko na kaya na manahimik nalang! I'm not afraid of you" Galit na sigaw ko dito. Narinig ko nanaman ang nakakairita nitong pagtawa.
"Hahaha! Talaga? Are you really not afraid? So you are not afraid of losing her? Ok fine! Let's see. You know me very well Yuan and you also know what I can do to make you stop. Hays! You idiot creature!" Sigaw pa nito sa kabilang linya na halatang nauubusan na ng pasensya. Nanghihina na pinatay ko nalang ang aking cellphone. Naiinis na napasabunot ako sa aking buhok at frustrated na hinampas ng aking mga kamay ang manibela. Napatingin ako sa kinaroroonan ng sasakyan kanina ni Brent. Napabuntong-hininga ako. Pinagsisisihan ko na nagpamanipula ako sa isang tao na akala ko ay mabuti. Pinagsisisihan ko na nagpabiktima ako sa mga maling akala. Pinagsisisihan ko na nagpadaig ako sa aking galit at nagpadala sa aking takot. Lahat ng yun ay walang naging mabuting naidulot sa aking pagkatao. Maraming oras ang sinayang ko. Naramdaman ko bigla ang pagtulo ng aking mga luha.
I'm sorry Blaire! I'm sorry my little princess!
––
Blaire Marie
Matapos ang nangyari ay agad kaming umuwi ng Mr. Brent sa bahay ng mga ito at hindi na namin nagawa pang kumain. Pagkarating na pagkarating sa bahay ay nagmamadali akong umakyat sa aking kwarto para kumuha ng first aid kit. Mabuti nalang at palagi akong may stock ng mga yun.
Nang makuha ko na ang dapat kong kunin ay nagmamadali din akong bumalik sa kinaroroonan ni Mr. Brent. Naabutan ko pa itong relax na nakaupo sa naroong sofa, agad naman akong tumabi dito at hinawakan nalang basta ang kamay nitong nasugatan na may nakabalot lamang na panyo na syang itinali ko kanina para mapigilan ang pagdurugo. Bakas pa nga sa panyo ang mantsa ng dugo. Nakakunot-noong bumaling ng tingin sa akin si Mr. Brent. Iniwas ko naman ang tingin ko dito at sinimulan nalang alisin ang panyo na nakabalot sa nasugatan nitong kamay.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...