Blaire Marie
NAKAHALUMBABA ako sa desk ko habang pinaiikot-ikot ko sa isa kong kamay ang hawak kong ballpen. Nakakailang buntong-hininga na ako dahil sa nararamdaman kong inis. Hindi manlang kasi nagpaparamdam sa akin si Mr. Brent. Hindi manlang mag-effort na gumawa ng paraan para magkaayos kami. Siguro nga wala itong pakialam sa akin. Napabuntong-hininga ako for the nth time because of frustration. Inis na umub-ob nalang ako sa desk ko.
"Sino nga pala 'yung handsome guy na bumisita sayo kagabi Athena? Hindi mo pa rin ba nakikilala?" Narinig kong tanong ni Kath kay Athena. Mukang papasok na ang mga ito sa classroom at ang iingay ng mga ito. Hindi ko nalang pinansin ang mga ito. Nanatiling nakaub-ob lang ako sa aking desk.
"Well, I have sources to know him" sagot ni Athena na halata sa boses na nakangiti ito. Pilit kong isinasara ang tainga ko para hindi marinig ang usapan ng mga ito pero sadyang malalakas ang boses ng mga ito. Nakakairita!
"You mean, nakilala mo na 'yung gwapong lalaki kagabi?" Usisa naman ni Margott. Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa ingay ng mga ito.
"Ofcourse I am. He is from BDA company, a well known company and guess what? He is the president named Brent Davin Alejandro. Hindi ko nga alam kung bakit ngayon ko lang siya nakilala, eh kilalang-kilala ang BDA company, maybe because I'm too focused with Leonhard. But I think, I preferred Mr. Brent Davin Alejandro more than Leonhard" sagot ni Athena na ikinakunot-noo ko.
At ano namang ginawa ng lalaking 'yun sa bahay nina Athena? Hays! Bigla ay naging interesado akong makinig sa usapan ng mga ito. Narinig ko ang pag-upo ng mga ito. Kami palang ang nandito sa classroom.
"Alejandro? You mean, 'yung big brother ni Kent?" Tanong ni Kath na halatang kinikilig. Hays! Sungal-ngalin ko ang mga ito eh. Boyfriend ko kaya pinag-uusapan nila!
"Yeah. At sobrang gwapo niya guys! I like him na" sagot naman ni Athena. Lihim akong napairap.
"What about Leonhard? Saka baka naman may girlfriend na 'yang Mr. Brent Davin na 'yan?" Tanong bigla ni Margott na ikinaangat ko ng mukha mula sa pagkakaub-ob. Well, ako lang naman ang girlfriend na tinutukoy nila.
"Forget about Leonhard, and I don't care if Brent Davin has girlfriend or none. At kung meron man, siguro hindi maganda 'yung girl kaya hindi pa ipinapakita ni Brent in public o baka naman wala pa talaga because he is waiting for me? So baka may pag-asa pa ako? Why not diba? I'm too beautiful for him" Confident na sagot ni Athena na ikinasama ko ng tingin sa mga ito. Nandito lang naman kasi ang pinag-uusapan nila. Ang kakapal ng mga mukha huh! Naramdaman siguro ng mga ito na nakatingin ako sa mga ito kaya napatingin din ang mga ito sa akin.
"Why are you looking that way? Interesado ka rin ba sa pinag-uusapan naming lalaki? Well, akin na siya 'no! Kahit sayo nalang sina Kent at Leonhard. I don't care anymore but not this guy, Brent Davin is all mine" mataray na wika sa akin ni Athena na parang pinagbabantaan pa ako.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...