Chapter 19

10.3K 314 11
                                    

GULAT na gulat pa rin ako sa nangyari. Ang balak ko lang sana ay halikan si Leon sa pisngi. Hindi ko talaga inasahan ang nangyari. Bumalik lang ako sa katinuan no'ng maramdaman ko ang marahas na pagtulak sa akin sa pader.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Napansin ko na nasa may rest room kami at walang ibang tao.

Napatingin ako sa humigit sa akin papunta dito. Natigilan ako nang makita ko si Mr. Brent na madilim ang mukha at halatang galit na galit.

"Anong ginagawa natin dito?" Inosente kong tanong. Nawala talaga ako sa aking sarili.

"What do you think are you doing?" Galit na tanong nito sa akin. Napakunot-noo naman ako dahil hindi ko talaga ito maintindihan. Lutang pa ang isip ko.

"I'm doing nothing" balewalang sagot ko na lalong ikinagalit nito. Nagulat pa ako ng suntukin nito ang pader sa likod ko.

"You just confessed to me yesterday but now, you do flirting with someone else? What the hell are you thinking?" Galit na sigaw nito sa akin.

Nagulat ako sa ginawa nitong pagsigaw pero bigla ring nag-init ang tainga ko sa sinabi nito kaya bigla ko itong nasampal. Nag-unahan bigla ang mga luha ko. Mabilis bumalik ang sakit na ipinaramdam nito sa akin.

"I'm not flirt! At ano bang ikinagagalit mo? Diba ikaw na rin ang nagsabi na kalimutan ko ang nararamdaman ko sayo?" Umiiyak na tanong ko dito habang sinusuntok ito sa dibdib.

Hiniwakan nito ang kamay ko para tumigil ako sa pagsuntok ko dito. Tumingin ito sa akin ng sarkastiko.

"And did you forget me that easily?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Natawa naman ako ng sarkastiko habang pinapahid ang luha. Tiningnan ko ito sa mga mata.

"Inaasahan mo ba na hindi kita makakalimutan agad? Swerte mo naman kung gano'n. Ayoko sa taong hindi pa nga nasusubukan sumusuko na. Ayoko na sayo dahil isa kang duwag. Pagod na rin akong habulin ka kaya tama na! Tama na, ayoko na!" Sigaw ko dito na hindi  napigilan pa ang mapahagulgol dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman.

Pero ang mas masakit, nagsisinungaling lang ako ngayon para dayain ang sarili ko. I can't forget him.

"Stop Blaire-----B-Blaire" Narinig kong bulong sa akin nito.

Hinawakan nito ang kamay ko at hinigit iyon para mayakap ako. Umiiyak pa rin ako.

Narinig ko ang sunod-sunod na paghinga nito. Mas humigpit ang pagyakap nito sa akin. Nanatili kaming magkayakap hanggang sa kusa nang naubos ang mga luha ko at tumigil na ako sa pag-iyak.

Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap ni Mr. Brent kaya sinubukan ko nang kumawala dito. Natigilan ako no'ng tuluyan kong makita ang mukha ni Mr. Brent--namumutla iyon. Kinabahan ako bigla.

"Mr. Brent?" Tawag ko sa pangalan nito habang niyuyogyog ang katawan nito na sobrang init. Kinabahan ako lalo na nang malaman ko na wala nang malay ito. "Oh my god!" Naluluhang usal ko habang natatarantang hinahanap ang cellphone sa maliit kong shoulder bag.

Nanginginig ang kamay na tinawagan ko si Kent habang nakaalalay sa katawan ni Mr. Brent.

––

Natataranta na palakad-lakad ako ng pakanan at pakaliwa sa tapat ng kwarto ni Mr. Brent. Pabalik-balik akong naglalakad habang kagat-kagat ang kuko ko sa mga daliri dahil sa kaba. Kanina pa kasi nasa loob ng kwarto ang personal doctor nina Kent at Mr. Brent. Kinakabahan na talaga ako.

TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon