KINABUKASAN ay maagap akong gumising para maghanda sa pagsundo sa akin ni Kent at para makapagdeliver na rin sa mga kapitbahay ko ng graham cake na inorder ng mga ito bago ako umalis.
9 AM nang dumating si Kent para sunduin ako. Nagulat pa ito ng makita ang bestfriend ko na hawak-hawak ang dalang maleta at anumang oras ay handang sumakay sa kotse nito.
"Let's go?" Nakangiting akit pa sa amin ni Marigold na halata sa boses ang pagkasabik.
"Who is she?" Nakakunot-noong tanong sa akin ni Kent na para bang hindi nito nakikita ang bestfriend ko sa classroom namin. Magkakaklase kaya kami.
"Marigold, my bestfriend" sagot ko sa tanong nito bago ko inayos ang mga dala kong maleta papunta sa kotse nito.
"What is she planning to do?" Nakakunot-noong tanong pa nito sa akin.
"Sasama ako sa inyo" Masayang sagot ni Marigold kay Kent.
"What?" Gulat na reaksiyon ni Kent.
Well, ganyan din naman naging reaksiyon ko noong una. Ang kapal naman kasi talaga ng mukha ng bestfriend ko para sumama lalo na't hindi naman ito imbitado. Tsk!
"Huwag kana ngang maraming tanong. Tara na" Higit ko kay Kent papunta sa kotse nito.
Wala na itong nagawa kundi pumunta sa driver seat at simulang paandarin ang makina ng sasakyan.
Habang nasa biyahe ay napapansin ko na masama ang tingin ni Kent sa kaibigan ko habang si Marigold naman ay walang pakialam at masayang nakatingin sa paligid na nadadaanan namin. Napailing-iling nalang ako.
Nang makarating kami sa bahay ni Kent ay literal na napanga-nga ang bibig ko dahil sa malamansiyon nitong bahay. Dahan-dahan akong bumaba sa kotse habang si Marigold naman ay nagmamadaling lumabas ng kotse na halata pa rin sa mukha ang pagkasabik.
"Wow ang laki ng bahay" Tuwang-tuwang reaksiyon nito habang nagnining-ning ang mga mata. Malaki din naman ang bahay ng mga ito pero masasabi kong mas malaki ang bahay nina Kent.
"Can you please shut your mouth? It's irritating" Masungit na puna dito ni Kent. Hindi ko alam kung bakit parang kumukulo ang dugo nito sa kaibigan ko.
Napailing nalang ako. Bahala na ang mga ito kung paano magkakasundo.
"Ay ang sungit naman" Reklamo ni Marigold habang nakanguso.
"Stop pouting your lips. You look like stupid ugly duckling" Komento pa ni Kent na halatang naiinis.
"Aba't-----"
Hindi ko na pinansin ang bangayan ng dalawa dahil napatingin ako sa taas ng bahay kung saan naroon ang terrace. Napakunot-noo ako ng makita ko mula roon si Mr. Brent habang blankong nakatingin sa akin. Sandali itong nakipagtitigan sa akin. Agad rin naman itong tumalikod at umalis sa terrace pagkatapos.
Mga ilang segundo lamang akong naiwang tulala habang nakatingin pa rin sa terrace na iyon ng maagaw na naman ang atensyon ko ng dalawang nag-aaway. Nakapamaywang na si Marigold habang lukot na lukot naman ang mukha ni Kent habang nakatingin dito.
"Ang yabang mo! Akala mo naman kung sinong gwapo-----e mas gwapo pa nga sayo si Iñigo ko e" Namumula sa galit na duro ni Marigold kay Kent.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...