Blaire Marie
NANDITO ako ngayon sa labas ng aking kwarto at nasa harapan ko ngayon sina Yuan at Leonhard. Napansin ko na hawak ni Leon ang shoulder bag ko na kanina ko pa hinahanap. Naroon kasi sa loob ng aking bag ang cellphone at wallet ko kaya nga kanina pa ako natataranta at naghahanap. Sakto namang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa aking harapan sina Yuan at Leon.
"Naiwan mo sa Restaurant kanina. Mabuti nalang at ako ang nakakita" wika pa ni Leon sa akin habang nakangiti. Ang tinutukoy ni Leon na Restaurant ay parte ng Alejandro's Hotel and Restaurant kung saan nakapwesto sa ibaba ng building. Combination kasi ng Hotel at Restaurant ang negosyo ni Kent at obvious naman 'yun sa pangalan. Tiningnan ko si Leon at ngumiti dito.
"Maraming salamat Leon huh?" Pasasalamat ko dito bago kinuha ang aking shoulder bag na iniaabot nito sa akin.
"You are always welcome" Nakangiting sagot naman ni Leon na tinapik-tapik pa ang aking balikat tanda na nagsasabi ito ng totoo. Muli akong ngumiti dito.
"Blaire?" Agaw pansin ni Yuan. Bumaling naman ako dito.
"Bakit Yuan?" Tanong ko dito habang nakangiti.
"May dumi ka sa balikat" wika nito na ikakunot-noo ko.
"Huh? Nasaan?" Tanong ko na sinimulan nang pagpagan ang aking balikat.
"Ako nalang magtatanggal" wika pa ni Yuan kaya napatigil ako sa aking ginagawa.
Nagulat ako no'ng akbayan ako nito. Bahagya pa ako nitong inilayo kay Leon para mapalapit dito. Napakunot-noo ako.
"A-anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko kay Yuan. Nakita ko pa ang naging reaksiyon ni Leon, mukang nagulat din ito sa ginawa ni Yuan.
"Hindi ka dapat masyadong nakikipagclose sa ibang lalaki Blaire. Baka magselos sayo ang boyfriend mo" sagot nito na nagpagulo lalo ng utak ko. Hindi ko kasi maintindihan ang mga sinasabi nito.
"Anong magseselos? Eh kaibigan ko lang naman si Leon eh" Katwiran ko naman dito.
"Kahit na" Maikling sagot ni Yuan habang nakatingin kay Leon. Muka namang hindi pa rin nahihimasmasan si Leon sa gulat dahil nakatulala pa rin ito.
"Ano bang pinagsasabi mo Yuan? Saka bakit paakbay-akbay ka pa d'yan? Baka nga ikaw pa ang mapagselosan ng boyfriend ko eh, 'yun ay kung magseselos nga siya" sabi ko na halos ibulong nalang ang huling mga salita dahil sa inis kay Mr. Brent.
"Hindi ako pagseselosan no'n, lalo na kapag nagpaliwanag ako" wika nito. Tinaplig ko naman ang braso nitong nakaakbay sa akin.
"At paano mo naman nasabi aber?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...