Brent DavinHABANG nasa byahe ay nararamdaman ko na nakatitig sa akin si Blaire at dahil doon ay nawawala ang pokus ko sa pagmamaneho.
"Is there something wrong in my face?" Hindi ko napigilang itanong dito. I heard her chuckle.
"Wala naman. You are perfectly handsome. Hindi lang ako makapaniwala na boyfriend nanga kita Mr. Brent. A-akala ko kasi ay nag-a-assume lang ako no'ng nakaraan at ako lang ang nakakaalam na boyfriend kita" sagot nito na ikinatingin ko dito saglit. Tumingin din ito sa akin para ngitian ako. Ibinalik ko ang tingin ko sa kalsada. "Akala ko pa nga ay nakalimutan mo 'yung nangyari no'ng isang gabi, no'ng may sakit ka" dagdag pa nito.
"I'm sorry about the day after that night" Paghingi ko dito ng paumanhin. Ang totoo, nagulat ako kinabukasan no'ng maalala ko na kami nanga ni Blaire. I feel scared but a little bit happy.
"Apology accepted" Narinig ko pang wika nito. Napangiti ako ng lihim.
Naramdaman ko ang pagbagsak ng ulo ni Blaire sa balikat ko. Bahagya ko itong tiningnan. Nakatutok din ang mga mata nito sa kalsada. Bahagya akong napangiti dahil doon. Bumaling na ulit ang tingin ko sa daan.
"I love you Mr. Brent" she said which made my heart beats fast. I make a glance with her.
Nakapikit na ito at parang inaantok na. Inayos ko ng isa kong kamay ang ulo nito sa aking balikat. I can't believe that there's a girl who will love me again and say I love you to me. I feel some fulfillness in my heart. I hope that it would be last forever. I sigh.
Pagkarating sa bahay ay hindi ko na ginising si Blaire. Binuhat ko nalang ito papasok ng bahay. Naabutan ko pa sa sala ang kapatid ko na nonood ng TV.
"Oh kuya? Saan mo nakita si Blaire?"
"I have my sources" simpleng sagot ko dito bago ipinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan. I left my brother without making a glance for him. My concern is to bring Blaire in her room and lay her down in bed to make her sleep comfortable. I walk slowly to avoid any noise that will make her up.
Pagkarating ko sa kwarto ni Blaire ay agad ko itong ibinaba ng dahan-dahan sa higaan nito. Maingat ko itong kinumutan at umupo sa gilid ng kama nito. I can't help myself to make a stare in her face. Hinaplos ko ang mukha nito para alisin ang hibla ng buhok na tumabing sa maamo nitong mukha. I sigh.
"I love you too sweetheart" bulong ko dito na hinalikan pa ito sa noo bago tumayo para lumabas na ng kwarto nito.
Nang nasa may pintuan na ako at isasara nalang ang pinto ay muli kong binalingan ng tingin si Blaire. Napansin ko na mas lalo nitong niyakap ang kumot na para itong nilamig bigla. Tumagilid pa ito ng higa. I smile slightly before locking her door.
––
Blaire Marie
Hindi ko mapigilang hindi kiligin habang yakap-yakap ang kumot na hawak ko at nakaupo sa aking kama.
"Meow"
"Oh my gosh Milky! Kinikilig ako. Binigay ni Mr. Brent itong kumot sa akin kagabi at you know what? Binuhat n'ya pa ako. Waaahh! Kinikilig talaga ako" todo ngiting pagkausap ko kay Milky na nasa ibabaw din ng kama ko. Tumitig lang ito sa akin na parang pinipilit na intindihin ang mga sinasabi ko. Napangiti nalang ako sa inasta ni Milky. "Di bale nanga lang" nasabi ko nalang bago tumayo sa aking higaan para maghanda ng agahan para sa aming tatlo. Napangiti na naman ako.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...