HINDI ako makatingin sa mga mata ni Mr. Brent dahil sa nangyari kanina. Tinawag ko itong babe at nagmukha akong ewan sa harap nito. Pagkatapos kong magtanggal ng morning glory at malaman na hindi ako nananaginip ay nagmamadali akong tumayo sa higaan ko at tumakbo papunta sa CR. At dahil sa pagmamadali ko ay nadulas ako sa may harapan nito. Mabuti nalang at hindi napasama ang pagkakabagsak ko sa sahig.
"Clumsy" Narinig ko pang wika ni Mr. Brent sa akin no'ng alalayan ako nitong tumayo. Tumingin ako dito para ngitian ito ng pilit. Pagkatapos ay agad ko itong tinalikuran para dumiretso na sa CR.
Habang naaalala ko ang nangyari kanina ay hindi ko maiwasang hindi awayin ang aking sarili at pektusan dahil sa kabaliwan ko. Nag-inhale-exhale ako bago lakas loob na tumingin kay Mr. Brent na ngayon ay nagmamaneho ng kotse.
"S-saan nga pala tayo pupunta Mr. Brent?" Lakas-loob kong tanong kay Mr. Brent. Nanatili namang nakapokus si Mr. Brent sa pagmamaneho nito.
"We will having a dinner date" Balewalang sagot ni Mr. Brent. Yeah! Dinner na dahil ala-una na pala ako nagising kanina. Naglunch naman ako sa Alejandro's house pagkagising ko at hapon na no'ng sinabi sa akin ni Mr. Brent na may pupuntahan kami. Ala sais na ata ngayon at ito nga, nagmamaneho si Mr. Brent papunta sa kung saan.
"Saan naman tayo magdidinner?" Curious na tanong ko dito.
"You will know it later" sagot nito. Tiningnan ko ito pero busy lang ito sa pagmamaneho. Umayos nalang ako ng upo.
"Ok" maikling sagot ko nalang dito.
Nagising ako sa banayad na paghaplos sa aking pisngi. Napamulat ako at ang una kong nakita ay ang mukha ni Mr. Brent na nakadungaw sa akin. Nasa akto pa itong inaayos ang hibla ng buhok ko na tumabing sa aking mukha. Nakatulog pala ako sa byahe. Umayos ako ng upo at pasimpleng pinunasan ang gilid ng aking labi, baka kasi may tumulong laway habang natutulog ako.
"We're here" wika ni Mr. Brent habang nakatingin pa rin sa akin.
"Sorry, nakatulog pala ako" hinging paumanhin ko dito.
"It's ok, let's go" akit nito sa akin na kinuha pa ang isa kong kamay para alalayan ako sa pagbaba sa kotse. Lihim akong kinilig.
Pagkababa ko sa kotse ni Mr. Brent ay nagulat ako at namangha sa nakita ko. Puno ng mga bulaklak ang paligid at nagliliwanag ang mga iyon at sa gitna ng mga bulaklak ay may isang maliit na kubo na nakatayo roon na sa tingin ko ay nagsisilbing cottage. Ang kubo ay yari sa mga traditional materials like bamboo and anahaw leaves. Namangha ako sa ganda ng paligid.
Inalalayan ako ni Mr. Brent sa paglalakad papunta sa may kubo. At habang naglalakad ay may nalalakaran kaming petals ng rose at may mga nakagilid din na mga musikero na tumutugtog ng violen. I realized na nasa isa kaming beach at artificial lamang ang mga bulaklak pero maganda pa rin tingnan ang mga iyon.
Lihim kong inilibot ang tingin ko sa paligid at napansin ko rin ang mga ilang babae at lalaki na mukang nagnanight swimming. Mukang nagkakasiyahan ang mga ito. Bumaling ulit ako kay Mr. Brent pagkatapos.
Nang makarating kami sa loob ng kubo ay namangha ulit ako sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa. Karamihan sa nakahain ay seafoods at dahil do'n ay natakam ako. Sa gitna ng table ay may nakalagay na kandila katulad sa mga napapanood ko.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romansa#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...