Marigold
PAGKATAPOS ikwento sa akin ni Blaire ang synopsis ng pangyayari sa kanila ni Mr. Brent ay napaisip ako. Kahit ako ay naguguluhan sa ikinikilos ni Mr. Brent. Napakamisteryoso nito. Cold itong tingnan sa personal--yung parang walang pakialam sa paligid, palaging busy, man of few words and I never seen his smile. Ano bang meron kay Mr. Brent?
When I saw him na buhat-buhat ang best ko para dalhin nito sa kwarto, alam ko na may sweetness ito sa katawan pero ang tanong, bakit nito pilit na itinatago iyon? Napabuntong-hininga ako at nakita ko na napakunot-noo lalo ang bestfriend ko na nakasubaybay sa magiging reaksiyon ko.
"Diba pati ikaw naguguluhan? Hay sa tingin ko wala talaga s'yang feelings sa akin. I'm into one-sided-love" malungkot na wika sa akin ni Blaire Marie. Mukang inlove nga talaga ang bestfriend ko.
"I think you are wrong" nasabi ko bigla.
"What do you mean?" Curious na tanong nito.
"I'm sure may feelings din siya sayo" makahulugang sabi ko sa bestfriend ko habang nakangiti. Napakunot-noo naman ito.
"Paano mo nasabi?"
"Kasi nga iniiwasan ka n'ya" sagot ko na lalong ikinakunot-noo ni Blaire.
"Iniiwasan niya ako diba? So ibig sabihin ayaw niya sa akin"
"Hindi naman porket iniiwasan ay ayaw na sayo ng tao. Maybe there's a big reason why they are avoiding you" Pangangatwiran ko dito.
"Bakit naman kaya niya ako iniiwasan?" Naguguluhang tanong nito na para bang sarili lamang ang kinakausap.
"It's for you to find out" sagot ko dito. Napansin ko na mukang malalim na ang iniisip ng bestfriend ko.
––
Pagkatapos ng klase namin ay nagpaalam na ako kay Blaire na mauuna na akong umuwi dahil kailangan kong umattend sa family dinner namin. Naiintindihan naman ako nito dahil kailangan ko magkaroon ng mas marami pang oras sa pamilya ko. Si Blaire naman daw ay mahuhuling umuwi dahil may ipapasa pa itong papers sa professor namin.
Habang hinihintay ko ang sundo ko ay napansin ko na papalapit sa akin sina Iñigo, Yuan at Kent. Ngumiti ang mga ito sa akin pagkalapit.
"Can I drive you home?" Tanong sa akin ni Iñigo na ikinangiti ko.
"May sundo na ako eh----pero kung mapilit ka, sige payag na akong ihatid ka" nakangiting sagot ko dito.
"Tsk!" Narinig kong asik ni Kent. Tiningnan ko ito ng masama bago inirapan.
"What about your driver?" Tanong pa ni Iñigo.
"I'll call him" sagot ko naman habang pasimpleng inaayos ang buhok.
"Stupid big mouth ugly duckling" narinig ko pang bulong ni Kent. Tiningnan ko lang ulit ito ng masama.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...