KANINA pa ako hindi mapakali dito sa loob ng sasakyan ni Mr. Brent. Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko matapos ang nangyari kanina. Hindi ko rin maiwasan na hindi pilipitin ang hawak ko ngayong panyo dahil sa sobrang tensiyon na pumapagitan sa aming dalawa ni Mr. Brent.
Madalas din akong mapatingin sa pasa na natamo ni Mr. Brent sa mukha nito dahil sa pagkakasuntok dito kanina no'ng lalaki. Nakaramdam din ako ng sobrang galit para do'n sa lalaki dahil sa pagsuntok nito sa boyfriend ko. Sinabi na kasi na "hands off" pero lalo naman ako hinawakan no'ng lalaki, tigas din ng ulo.
Nagulat pa nga ako no'ng bigla nalang sinugod ng suntok ni Mr. Brent 'yung lalaki. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung gaano kagalit ang itsura kanina ni Mr. Brent. Nakaganti rin naman ng isang suntok 'yung lalaki at tumama 'yun sa mukha ni Mr. Brent na naging pasa nanga ngayon. Mabuti nanga lang at naawat ko ang mga ito bago pa may makakilala kay Mr. Brent.
Nabasag lang ang katahimikan sa pagitan namin ni Mr. Brent no'ng tumunog ang cellphone nito na nasa dashboard. Agad namang may pinindot do'n si Mr. Brent dahilan para umere sa loob ng sasakyan ang boses ng tumatawag.
"Mr. Alejandro, someone saw you in the bar and----"
"Ok, I'll handle it later" Seryosong putol ni Mr. Brent sa sinasabi ni Ms. Barbara bago nito pinutol ang tawag.
Napakagat-labi naman ako. Mukang may nakakita pa rin sa nangyari sa bar at ngayon ay problema na iyon ni Mr. Brent. Napatingin ako sa labas ng bintana at lihim na nagpakawala ng buntong-hininga.
"Bwesit kasi ang lalaking 'yun!" Nasabi ko nalang dahil sa sobrang inis.
Pakiramdam ko ay napalakas ang boses ko kaya naman napatingin ako kay Mr. Brent pero mukang hindi naman ako nito narinig dahil nakatutok lang ang mga mata nito sa kalsada. Napalabi nalang ako, parang hindi ko na yata kaya ang pananahimik ni Mr. Brent.
"Galit ka ba sa akin Mr. Brent?" Hindi ko na napigilan na itanong.
"I saw my girl touched and hugged by someone, so what is your expectation?"
Napayuko ako sa tanong ni Mr. Brent. Mahina lang naman ang pagkakasabi nito pero ramdam ko ang diin sa pananalita nito.
"Hindi ko naman kasalanan a! Bakit ka ba sa akin magagalit Mr. Brent? Pumalag naman ako saka----"
"I just thought that you are with your classmates, planning for school foundation day and not partying" Putol ni Mr. Brent sa sinasabi ko. Napalabi naman ako at muling napayuko.
"Hindi ko naman kasi talaga alam na doon kami pupunta e. Bakit ba sinusungitan mo ako diyan?" Naiinis na rin na tanong ko dito.
"Tsk!"
—
"Alas dose na ng gabi pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siya? Hay! Galit ba talaga sa akin ang lalaking 'yun?" Bulong ko sa sarili habang napapatingin sa orasan. Napapabuntong-hininga ako habang hinihimas ang malambot na balahibo ni Milky na nakahiga sa kandugan ko.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...