Chapter 41

8K 205 1
                                    


Blaire Marie

"What the hell are you doing here? With WHAT? M-my-----p-prince?" Gulat na reaksiyon ni Athena no'ng makita ako nito na sinundan pa ng paglabas ni Mr. Brent mula sa kusina. Ako rin naman ay nagulat ng makita ko ito.

Ano ang ginagawa ng babaeng ito dito? Napansin ko na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Mr. Brent. Sumama ang tingin nito sa akin pagkatapos. Hindi siguro ito makapaniwala na kasama ko ngayon si Mr. Brent at masyadong halata sa itsura nito na hindi ito natutuwa sa nakikita.

"I'll go upstairs" Narinig kong paalam ni Mr. Brent na ikinatingin ko dito. Tumango ako dito kaya naman umalis na rin ito sa harapan ko at nagsimula ng umakyat ng hagdanan. Lumapit naman ako sa direksyon nina Marigold, Kent at kay Athena na hindi na maipinta ang mukha ngayon.

"Hindi niyo ba sasagutin ang tanong ko? Bakit kayo nandito? At ikaw, Ano ang relasyon mo kay Brent huh?" Baling sa akin ni Athena na mas lalong sumama ang tingin sa akin. Lihim akong napairap. Ano ba ang dapat kong gawin sa babaeng ito? Hays!

"Can you calm down? You should take this glass of water first" sabi ko dito para pakalmahin din ang aking sarili sa ginagawa nitong eskandalo. Hindi ba nito alam na wala itong karapatan na mag-eskandalo lalo na't bigla nalang itong dumating sa bahay ng mga Alejandro at masyado itong maingay.

"I have no time for drinking that water. All I want is to know why are you here? And what is your relationship with my prince charming?" Tanong ni Athena na halatang sobrang naiinis na. Napairap naman ako dahil sa pagiging sobrang assuming nito at sa pagpapantasya nito sa boyfriend ko.

Narinig ko pa na bahagyang tumawa si Marigold na ikinatingin ko dito. Napansin ko rin na nagsalita pa si Kent ng "go sislaw" kahit soundless 'yun. Napakunot-noo pa ako no'ng mapansin ko na nakaakbay pa si Kent sa bestfriend ko. The heck!

"I'm talking to you bitch!" Singit na naman ni Athena na ikinatingin ko naman dito. Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa sinabi nito. Tinaasan ko ito ng kilay at diretsong tiningnan sa mga mata.

"First of all, bakit ikaw ang nandito?" Mataray na tanong ko dito. Sumusobra na kasi ito at napipikon na ako. Hindi naman makapaniwala na tumingin rin sa akin ng masama si Athena at tinaasan din ako ng isang kilay.

"I'm the one who's asking that question because----"

"But actually, you should take that question of yours. Bakit ka nga ba nandito, gano'ng wala naman nagpapapunta sayo dito?" Tanong ko dito na ikinatigil nito sandali. Napangiti naman ako dahil mukang napagtanto na nito na ito ang basta nalang umeksena sa bahay na ito na wala manlang permiso mula sa may ari.

Narinig ko naman na napa"whoa!" sina Marigold at Kent sa sinabi ko na nakikinig pa rin sa usapan namin ni Athena. May pagkachismosa rin talaga ang dalawang ito.

Tumikhim naman si Athena, umubo pa ito ng mahina na halata namang fake lang para siguro mawala ang pagkapahiya nito. Tumingin ulit ito sa akin na parang naghahamon. Mukang masyado palang makapal ang mukha nito para sa salitang "kahihiyan". Nagtaas pa ulit ito ng kilay.

"Well, nandito lang naman ako para makita ang aking prince charming pero may isang bitch dito na umaaligid sa aking prince charming" sabi pa ni Athena na ikinaubo nina Marigold at Kent.

TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon