"May I have your attention?-----May I?" Agaw pansin ko sa mga kaklase ko na sobrang abala sa kani-kanilang ginagawa.Nasa unahan ako ngayon ng classroom para kunin ang atensiyon ng mga ito, pero sadya yatang hindi ako kapansin-pansin dahil wala manlang tumingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapasimangot.
"Ano na naman ba 'yang pakulo mo huh Blaire Marie Rentoria? Abala ka naman e." Reaksiyon ng eskandalosa at kj kong bestfriend na si Marigold na tumawa pa talaga ng malakas.
"Heh! Huwag kang ano diyan. Tumigil ka rin sa katatawa kung ayaw mong saksakin ko 'yang ngala-ngala mo at bagang na kitang-kita. And omit the Marie please? It's Blaire, ok?" Nakairap na sagot ko sa bff ko. Madalas ay bangayan ang lambingan namin nito.
"Ang brutal naman. Hindi naman labas bagang ko, suntukin kita d'yan ay. Tsk!"
"Sige ba. Suntukan tayo dito sa unahan para agaw atensyon sa mga kaklase nating snob!" Parinig ko sa mga kaklase ko na abala pa rin kahit nagsisigawan na kami dito ng bestfriend kong loka-loka.
"Baliw ka talaga"
"Mana sayo e" Nakangiti ko pang hirit dito.
"Oo na, ganito kasi 'yan, hindi ka marunong kumuha ng atensyon e. Watch and learn" Wika ng loka-loka kong kaibigan na kinindatan pa ako bago tumayo at pumunta sa unahan.
Pinabayaan ko naman ito dahil gusto ko ring makita kung ano ang gagawin nito.
"Hi mga naggagwapuhan at nagagandahan kong mga kaklase. Pwede ko bang makuha ang inyong atensyon para sa kaibigan kong kulang sa atensiyon?" wika ng kaibigan ko sa unahan na siyang nagpamulaga sa akin.
Babatukan ko sana ito kung hindi ko lamang napansin na tumingin na ang mga kaklase ko sa akin. Aba't! "I told you" Baling sa akin ng kaibigan ko na parang nang-aasar pa bago umupo. Napanguso nalang ako.
"Mga talipandas talaga kayo!" Nakasimangot na reklamo ko sa mga kaklase ko. Tinawanan lang naman ako ng mga ito. "Ang sama n'yo talaga" Dagdag ko pa habang nakahaba pa rin ang nguso.
"Patawad na mahal naming Blaire. You're just so cute if we are teasing you" Wika ng kaklase kong lalaki na si Leonard.
Napangiti naman ako sa sinabi nito. Sa tingin ko at nararamdaman ko na may gusto ito sa akin dahil madalas itong nagbibigay ng compliment sa akin.
Sa tingin ko lang naman.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...