Blaire Marie
"If you really love a person then you will stay no matter how hurt it is to be with them and you will accept their imperfections" Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Mga linya ni Marigold no'ng kausapin ko ito.
Napaisip ako ng malalim. Kent and Marigold is right. I need to accept Mr. Brent imperfections and accept what I feel. And I need to do something to show what I feel. I need to try para atleast wala akong pagsisihan sa huli. Napangiti ako. Tumingin ako sa prof. namin na nagdidiscuss sa unahan at nakinig sa mga sinasabi nito.
Maaga akong umuwi sa bahay ng mga Alejandro para maghanda ng dinner nina Kent at Mr. Brent. Habang nagluluto ay napapangiti ako dahil ang niluluto ko ay isa sa paborito ni Mr. Brent--ang afritada. Si Kent ang may sabi sa akin na iyon ang paborito ni Mr. Brent. At dahil doon ay siniguro ko na masarap ang pagkakaluto noon at magugustuhan ni Mr. Brent.
Habang nagluluto ako ay nasa may paanan ko si Milky na nagpapaikot-ikot sa akin. Napangiti naman ako dahil mukang naglalambing na naman sa akin ang mahal kong pusa.
"Wait lang Milky. Matatapos na ang magandang mong amo" pagkausap ko kay Milky na napahagikgik pa. Tiningnan ko saglit ang pusa ko. Nakatingala din ito sa akin.
"Meow"
"Please behave Milky" sabi ko dito. Dahil nakatingin ako sa pusa ko ay hindi ko napansin na malapit nang masunog ang luto ko.
Nang makaamoy ako ng nasusunog at ng mapansin ko na ang niluluto ko pala 'yun ay nataranta ako kaya napahawak ako sa tangkay ng kawali.
"Ouch!" Reaksiyon ko na napalayo pa sa may stove. Naramdaman kong humapdi ang kamay ko na naihawak ko sa kawali. Hindi ko nalang pinansin 'yun at nagmamadali nalang pinatay ang stove at hinango ang luto ko.
Nalungkot ako bigla ng makita ko na bahagyang nasunog ang ilalim ng niluto kong afritada. Napabuntong-hininga nalang ako at sinimulang kuhain ang nasa ibabaw na afritada na hindi nasunog. Sayang naman kasi. Tumingin ako kay Milky, nakatingin din ito sa akin. Nagmamadali naman itong umalis kusina pagkatapos.
Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na ang mesa at inilagay na roon ang mga pagkain.
"Perfect" nasabi ko habang nakatingin sa mga pagkain na inihanda ko.
"Wow! Mukang masarap ah" bungad agad ni Kent ng makapasok ng kusina. Nakasunod naman dito si Mr. Brent na kagagaling lang yata sa trabaho at mukang pagod na pagod na naman.
"Ako ang nasa harapan pero sa likod ko nakatingin. You are really obvious Marie" pang-aasar sa akin ni Kent na umupo na sa isa sa mga upuan.
"Kumain ka nalang Jose" sabi ko naman dito.
"Talagang kakain ako" sagot naman nito at sinimulan na ang pagkain.
Napansin ko naman na inilapag na ni Mr. Brent ang dala nitong attache case sa bakanteng upuan na nasa kusina at hinubad na rin nito ang suot nitong coat at umupo na rin sa isa sa upuan na katapat ng inuupuan ni Kent. Lumapit ako kay Mr. Brent at sinalinan ng malamig na tubig ang baso nito.
"Magtubig ka muna Mr. Brent. Mukang uhaw na uhaw kayo eh" sabi ko dito. Tiningnan lang ako nito at tinanguan then ininom na nito ang tubig sa baso. "I cooked afritada for you Mr. Brent" sabi ko pa dito. Kumuha naman ito ng isang piraso ng afritada at tinikman iyon. Ngumiti naman ako.
"How's the food Mr. Brent?" Tanong ko kay Mr. Brent habang nakangiti.
"It taste burn" sagot nito na ikinawala ng ngiti ko. Napansin yata ni Kent ang pagkalungkot ko kaya nagsalita na ito.
BINABASA MO ANG
TCHM: The Cold-hearted Man ✔[COMPLETED]
Romance#Stand Alone Novel #Published #Editing There is no perfect relationship and everyone has there own imperfections that need someone's acceptance. ___ He is successful businessman at the age of 28, workaholic and no time to take "rest". His life round...