Kabanata 3

286 11 0
                                    

"Buenas noches Señor Agustin" (Good evening Mr.Agustin )

Sabi ng lalaking moreno saka siya yumuko. Napayuko na lang din ako para 'di naman lumabas na ang bastos ko para 'di yumuko..malay natin may dugong bughaw pala ang kausap ko

Nang iangat ko ang aking ulo ay pareho na silang nakatingin sa akin kaya napangiti na lang ako at bahagyang yumuko ulit

"Ah hehehe opo aalis na ako don't worry 'di naman ako chismosa..adiós!" pagkatapos kong magsalita ay tumakbo na agad ako ng mabilis

Sana hindi ako namukhaan ng lalaking moreno na 'yun please please please tsaka dibdib pala 'yung nabangga ko? infairness ulit ang tigas hahaha

Ngingiti ngiti ako ng biglang may humarang sa akin kaya napatigil ako

Pagtingala ko ay agad akong nawalan ng pag-asang hindi niya ako mamumukhaan dahil nasa harapan ko na siya

Si Flash ka ba boy? Ang bilis lang kumilos parang kanina lang tinalikuran ko siya ngayon naman kaharap ko na siya hayst.. hindi kayaaa?..isa siyang ligaw na kaluluwa? Thalía! kung kaluluwa 'yan sa tingin mo kakausapin siya ng mga guardia civil kanina?!

Napasimangot na lamang ako at saka ko siya inirapan

"Tabi" naiinis na sambit ko pero tinignan niya lang ako ng may blangkong ekspresyon

"Hindi maaari sapagkat isa kang tulisan" napasinghal ako dahil sa sinabi niya

Masasaktan ko 'to pero baka bago ko pa magawa 'yun eh naibalibag na ako nito dahil sa laki ng katawan niya, hindi 'yung malaki na parang naggy-gym ha?

"Hindi nga sabi ako tulisan eh!" sigaw ko sa kanya pero blangko lang ang expression niya habang nakatingin sa akin

"Sa gobernador heneral ka na lamang magpaliwanag" maikling sagot niya saka niya sinenyasan ang dalawang lalaki na siyang kanina pa pala dumating ng hindi ko namamalayan

Kakarating ko pa lang sa panahon niyo tapos bilangguan agad ang bagsak ko? nasaan ang hustisya doon?hindi na ako magtataka kung hindi ko na sasapitin ang panibagong umaga haayst

Hindi na ako umangal ng isama na rin nila ako papuntang Fort Santiago para ikulong haayst

Hihintayin ko na lang kayong lahat sa kabilang buhay

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng kulungan ay bumungad sa amin ang napakahabang pasilyo. Hindi rin gaanong maliwanag kasi hindi pa uso ang bulb ngayong panahon puro pa gasera at lampara

Rinig ko ang sigawan ng mga nakakulong na tila ba pinaparusahan kaya bigla akong kinabahan. Ayoko pang madeds sa panahong ito hindi ko matatanggap..hindi ko matatanggap na wala man lang ako magiging boyfriend sa panahong ito. Wala na nga akong jowa sa makabagong panahon pati ba naman dito?

Sa kaba ko eh may naisip ako paraan para 'di ako himatayin

Lumingon ako sa lalaking nasa kanan ko saka ako ngumiti ng lumingon siya

"Ang tahimik noh? may kukwento na lang ako sayo..alam mo ba 'yung kapitbahay kong si Aling Bebang?naku kahit mataba 'yun mabait 'yun tapos alam mo ba lagi akong binibigyan ng pagkain n'on lalo na kapag galing ako sa school. Kahit lagi ko siyang binabara hindi ko itatangging malaki ang utang na loob ko kay Aling Bebang kung hindi dahil sa kanya siguro matagal na akong mukhang kalansay hehehe buti na lang at maaawain siya sa kap-" hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si moreno

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now