Kabanata 45

90 7 3
                                    

"Nathalia"

"Gising!"

"Gumising ka na!"

"Nilulusob na tayo"

"Paparating na ang mga kalaban!"

"Itakas niyo ang mga bata! Hindi sila dapat na maipit sa labanang ito!"

"Magsipagtakbuhan na kayo!"

"Sugooood!!"

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may tumutulo sa aking pisngi. Napatingala ako at kita ko ang marahang pagtulo ng ambon. Bahagya akong bumangon at halos mapaigik ako nang maramdaman ko ang hapdi sa aking tagiliran. Napatingin ako doon at kita ko ang sugat ko na bagong tahi pa lamang. Tumatagos sa kamisang suot ko ang patak ng dugo na nananggagaling doon.

Ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan kung kaya't agad akong luminga para maghanap ng maiinom. Doon ko lamang napagtanto na tila ba nasa isang kuweba kami. Maraming sugatan, makalat ang paligid, at maraming nagluluksa. Rinig ko ang pigil na pag-inda ng iba habang tinatahi ang kanilang mga sugat.

Dahan dahan akong tumayo at naglakad papalapit kay Rosita, siya ay abala ngayon sa pagtahi ng sugat ng isang lalaki. Sandali siyang sumulyap sa akin at nang magtama ang aming mga mata, ramdam ko na agad ang lungkot na nagsusumigaw roon.

"Gising ka na pala, binibini" mahinang usal niya habang abala pa din sa pananahi

Kagat kagat ng kaharap niyang lalaki ang isang tela upang maiwasan ang paggawa ng malakas na ingay. Ganon din ang iba pa. Muli akong luminga at sa tingin ko'y hindi bababa sa trenta ang sugatan. Sa isang sulok naman ay nakalatag ang ilang katawan na tinabunan ng tela. Kahit hindi ako lumapit ay batid ko kung sino ang mga iyon.

Elena..

Sampung katawan ang nakalatag sa isang sulok at lahat sila'y puro babae.

"T-tulungan na kita, Rosita" pago-offer ko

Tumango naman agad siya at tanggap lang alok kong tulong. Agad niyang ibinigay sa akin ang karayom na singlaki ng daliri ko. Tiningala ko ang lalaking nasa harapan ko na kanina pa pinagpapawisan ng malala. Nanginginig na rin ang kanyang buong katawan.

"Hingang malalim po" agad naman siyang huminga ng malalim at ilang beses ko pa ulit na pinagawa sa kanya iyon bago ko muling pinailalim sa balat niya ang karayom.

Makalipas ang bente minutos ay ibang lalaki naman ang nasa harapan ko. Tulad kanina ay may tela rin sa kanyang bibig upang hindi siya makakuha ng unwanted attention.

Bahagya siyang napapaliyad sa tuwing pumapailalim sa balat niya ang karayom. Sa pagkakataong ito, ang sugat niya naman ay nasa balikat banda hindi tulad kanina na nasa siko lang.

Ganon ang nangyari sa ilang oras, naging abala kami sa pagtatahi ng sugat ng mga kalalakihan at kababaihang sugatan. Mabuti na lamang at walang batang nadamay at agad silang nailikas bago pa man tuluyang makarating ang mga guardia civil. Sabi nila ay aabot daw sa singkwenta ang umakyat na guardia civil. Mabuti na lang at magaling gumawa sa trap ang mga rebelde kung kaya't karahiman sa mga guardia civil ay doon nadali.

Habang lumilipas ang oras ay unti unti ding nadadagdagan ang mga bangkay na nilalagay sa gilid. Sila Martin ang abala sa pagkuha ng mga bangkay ng mga kasama at iniwan lang daw nila ang bangkay ng mga guardia civil sa kampo. Ito daw ang magsisilbing mensahe na hindi papadaig ang mga rebelde sa kapangyarihan ng Gobernador Heneral.

Bago tuluyang dumilim ay naghukay sila Martin ng malaki at napakalalim kung saan ililibing ang mga kasamahan namin.

Oo, dito na ako belong..iniwan ako ni Luis eh

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now