Nanatiling nakatingin sa akin ang Kabeza at si Tonyo, hinihintay ang aking paliwanag kung kaya't pikit mata akong nagpaliwanag kung ano nga ba talaga ang nangyari.
Aaminin ko na lang ang totoo, palayasin na kung palayasin alam kong malalaman at malalaman nila ang totoo
"Galing ho kami sa bundok Pahit, sinalakay ng mga guardia civil and aming lugar at doon po kami naghiwa-hiwalay ng aming mga kasama" ika ko
"Bundok Pahit? Kung hindi ako nakakamali'y iyon ang kampo ng mga..rebelde" sandali pang napatikhim si Kabeza bago niya banggitin ang salitang rebelde
Nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin at kay Alonso si Tonyo. Tila hindi siya makapaniwala na may kasama siyang rebelde ngayon sa isang lugar.
"Tama ho kayo, kasama po kami sa rebelde at tinutugis na ng mga guardia civil ngayon" nabahala agad ang kanilang itsura tila ba nagkaroon siya bigla ng malaking problema dahil sa sinabi ko
Sa katunayan ay hindi na ako magtatakha kapag pinalaya kami sa lugar na ito. Tahimik ang barrio nila ngunit hindi tamang magulo ito ng dahil lang sa katulad namin.
"Huwag ho kayong mag-alala, aalis din po kami agad ni Alonso kung iniisip niyo ang seguridad ng inyong buong barrio" ika ko
Napabuntong hininga siya saka siya bumaling sa akin.
"Hindi iyon ang aking iniisip, walang problema sa akin kung dito kayo pansamantalang manunuluyan ni Alonso. Ang akin lamang ay nababahala ako sa oras na mapadpad sa lugar na ito ang mga guardia civil. Tila ba sila hayop kung manliit ng kapwa at hindi ko nais na may masaktan sa aking mga ka-nayon" naintindihan ko naman agad ang ibig niyang sabihin.
Halos nasa kalahating oras na kami nagu-usap usap nang makarinig kamj ng malalakas na katok dahilan para mapatayo mula sa kinauupuan si Kabeza ganon na rin si Tonyo.
"Anong nangyayari? Bakit ba tila hapong hapo ka? Umupo ka muna at kukuhanan kita ng maiinom" ika ni Kabeza sa isang lalaki na para bang ilang kilometro ang tinakbo
Sandali muna siyang huminga ng malalim saka siya nagsalita.
"Masamang balita ho kabeza! Ang mga guardia civil po ay nagtutungo sa mga barrio barrio upang halughugin ang bawat kabahayan. Galing ko ako sa barrio Masinlak upang ihatid si inay sa kanyang hihilutan nang makita naming nagkakagulo ang lahat. Isang batalyon po ng guardia civil ang nagtutungo sa bawat barrio sakay ang kanilang mga kabayo" matapos magsalita ng lalaki ay ramdam ko ang pagbaling sa akin ni Kabeza at ni Tonyo
Dali dali akong tumayo at tumingin sa kanilang dalawa. Ramdam ko ang kaba nila na baka madamay sila sa oras na matagpuan kami dito sa kanilang lugar.
"Aalis na po kami, hindi po nila kami dapat na makita rito. Madadamay po ang lahat. Salamat po sa pagtanggap niyo sa amin sa inyong barrio, tinatanaw ko po ito bilang utang na loob" sinserong sabi ko saka yumuko ng bahagya upang ipakita sa kanila kung gaano kalubos ang aking pasasalamat sa kanila.
Agad sinabihan ni Kabeza ang lalaki na sabihan ang lahat sa barrio na naghanda dahil nga sa paparating na mga guardia civil.
Sinenyasan ko na si Alonso na lumapit sa akin ngunit bago pa siya makalapit ay napigilan na siya ni Kabeza dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Sa tingin ko'y mas mainam kung iiwan mo na lamang dito ang bata. Delikado ang magiging buhay niya sa oras na sumama pa siya sa iyo sa pagtakas" aniya habang sumusulyap kay Alonso
Sandali akong natameme dahil sa sinabi niya. Hindi pa ako magsasalita kung hindi pa ako tinawag ni Tonyo.
Inisip ko ng maayos ang magiging sagot ko. Kung sakaling dadalhin ko siya sa pagtakas ko, mahihirapan ako dahil kailangan ko pa siyang buhatin habang tumatakbo. Kapag iiwan ko naman siya dito, hindi ako mahihirapang tumakas at tumakbo dahil hindi ko na kailangang problemahin ang pagbuhat sa kanya. Bukod doon, mas magiging ligtas siya dito kasama ang mga mabubuting tao at mas makakakain siya ng maayos dito. Ang kaso, mahihirapan siyang sanayin ang sarili niya na ibang tao ang mga kasama.
![](https://img.wattpad.com/cover/264377466-288-k688668.jpg)
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Ficción históricaMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...