Kabanata 4

274 13 0
                                    

"Bumangon na po kayo señorita" may umaalog alog sa akin pero binalewala ko lang dahil antok pa ako

"Shut up I'm so sleepy give me 5 more minutes" inaantok na sabi ko saka ako nagtalukbong ulit

"Hindi ko ho kayo nauunawaan ngunit señorita nariyan po sa ibaba ang tinyente upang bisitahin ka"

Napakunot noo ako dahil sa sinabi ng weirdong babae na kanina pa señorita ng señorita. Dali dali akong bumangon at napakurap kurap ako ng makita ko ang style ng kwartong tinutulugan ko ngayon

"Hanep ang ganda ng kwartong 'to..sino may-ari nito?" nagtatakha siyang napatingin sa akin pero sumagot na lang siya sa tanong ko

"Ang tahanang ito ay pag-aari po ni Señora Celestina na siyang ina po ni Tinyente Suárez" napatango tango na lang ako ng may maalala ako

"Paano pala ako nakarating dito?" nanlalaki ang mga matang tanong ko

"Hayaan niyo po at aking ikukwento"

**

Naglilinis kami sa kusina ng marinig namin ang sunod sunod na pagkatok sa pintuan kaya't dali dali namin itong binuksan.

"Sinong nariyan?" tanong ni Señora Celestina habang ikinukumpas nito ang kanyang abaniko

"Narito ho si tinyente Suárez" sabi ko saka ko pinagbuksan ng pintuan si tinyente

"Ang aking anak? aba'y bakit narito siya?" bumaba siya sa hagdan upang lapitan kami

Lumapit siya kay tinyente na agad namang yumuko ng bahagya

"Bakit narito ka ngayong oras anak?hindi ba't ngayong araw ang paglilitis sa mga bilanggo?" nagtatakhang tanong nito sa anak ngunit matipid na tumango lang ito

"Maaari bang ayusin niyo ang bakanteng kwarto? ako'y may panauhin ngayon" dali daling sinunod sa kanya ang dalawa pang katulong samantalang ako ay nasa likuran lamang ni Señora Celestina

Muling lumabas si tinyente at pagkapasok niya'y buhat niya ang isang binibining namumutla at walang sapin sa paa

"Susmaryosep! anong nangyari sa binibining ito?" gulat na tanong ni Señora saka siya bumaling sa akin "Magdala ka ng maligamgam na tubig sa bakanteng silid huwag mong kakaligtaang magdala ng tela at herbal na gamot" dali dali siyang sumunod sa anak niya na papaakyat sa ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang bakanteng kwarto para sa mga panauhin

Napangiti ako ng malapad dahil sa kwento niya

Infairness ang babait ng mga tao dito makapag thank you nga

"Nasaan si Celest- este Señora Celestina? nais kong magpasalamt sa kanya" malapad akong ngumiti kung saan kitang kita lahat ng ngipin ko..di bale wala namang bulok sa mga ngipin ko haha

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now