"Gusto ko sanang magtanong tungkol sa mga nagaganap na pag-aaklas"
Sandali siyang natahimik tila ba iniisip kung ano bang tinutukoy ko.
Don't tell me hindi siya aware sa nga nagaganap sa paligid niya? So tama ba ako na si Lucas ang lumabas sa kanya nitong mga nakaraang araw?
"Anong nais mong malaman?" napakurap ako dahil sa tanong niya
That's it..chance ko na 'to!
"May mga pag-aaklas bang naganap nitong nakaraan? Halos lahat ng nandito sa mansyon ay wala marahil alam sa mga nangyayari sa labas dahil bihira lang din kaming lumabas dito" dire-diretsong sabi ko
Nakinig naman siya saka siya dahan dahang tumango na tila ba iniintindi ang mga sinasabi ko.
"Ang tahanan ng mga Suarez ay pinasok ng mga tulisanes nito lamang Hueves marami sa kanyang mga kasamahan sa bahay ay nasaktan" napasinghap ako dahil sa kanyang sinabi
Kaya ba ganon ang itsura ni Ginoong Samuel sa palengke? Dahil for sure galit siya sa mga rebelde at tulisan!
Agad akong nakaramdam ng pag-aalala kanila Isabella. Paano kung ma nangyaring masama sa kanila? Parang gusto ko silang makita a kamustahin kahit papaano.
"Hindi ka maaaring magpunta sa kanilang tahanan" tila ba naisip niya ang aking iniisip dahil inunahan na niya ako
"Pero..bakit?"
"Mainit sa mata ng mga rebelde ang tahanan ng mga nasa gobyerno iniisa isa na ang lahat. Hindi malayong sa mga susunod na araw..tahanan ko naman ang lulusubin nila" nahigit ko ang aking mga hininga dahil sa sinabi niya
Matagal na nilang malusob ang tahanan mo Luis..nakapaligid na silang lahat sa'yo. Paano kung..isumbong ko sila? Sa ganoong paraan mababawasan ang mga kalaban ng pamahalaan!
"Huwag kang mangamba sisiguraduhin kong do-doblehin ko ang guardia civil dito sa aking tahanan. Hindi ko nais na mapahamak kayo..ang mapahamak ka" napatingin ako sa kaya dahil sa kanyang huling sinabi
Omggg huwag ngang ganyan baka mag-assume na naman ako! Assumera pa naman ako hayst
Napaiwas ako ng tingin sa kaya nang maramdaman ko ang bahagyang pag-init ng aking magkabilang pisngi.
"Hindi naman kami nag-aalala sa kapakanan namin. Ang iniisip ko lang naman..kung ayos ka lang ba" mabilis na sabi ko.
Hindi ko na inisip pa kung naintindihan niya ba ako or hindi basta ang mahalaga malaman niyang..may kakampi siya
Sandali siyang natahimik kaya napasulyap ako sa kanya at agad na naman akong napaiwas ng tingin nang mapansin kong nakatitig siya sa akin!
Hoyyyyyy anong tingin 'yan?! Baka umasa ako uyy
"Salamat"
Napabaling ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Ha?"
"Ang sabi ko'y salamat..dahil sa unang pagkakataon may nag-alala para sa akin" nakangiti man ay ramdam ko ang pait ng kanyang mga salita
Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil feeling ko walang may gusto sa kanya.
Ayoko nang abalahin pa siya o guluhin ang isip niya kaya hindi ko na lang itutuloy ang balak ko.
Mabigat man sa dibdib ay pinili ko na lamang na hindi na I-bring up ang tungkol sa sinabi niya kanina sa palengke dahil paniguradong siya mismo hindi niya alam na may nangyaring ganon kanina.
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...