Warning: This chapter my contain sensitive topic and if you're uncomfortable feel free to skip this chapter po
"Buenos días a todos, excepto a aquellos indios que, en primer lugar, no deberían estar aquí. Hoy es un día tan hermoso ¿no? Estoy feliz de ver a todos los que están reunidos aquí hoy sólo para escuchar mis predicaciones. Me alegro mucho de compartir con todos ustedes las buenas noticias que Él me envió mientras oraba" (Good morning to each everyone of you except to those indios who are not supposed to be here in the first place. Today is such a beautiful day isn't it? I'm happy to see everyone who is gathered here today just to hear my preachings. I'm so glad to share with everyone of you the good news that He sent me while I was having my prayer)
Sabi ng prayle na kakaakyat lang sa parang veranda style ng simbahan.
(The image used is not mine..I got it from the series Maria Clara and Ibarra since I can't find anything good online that can be used as my example)
Lahat kami ay napatingin sa kanya sa itaas at saka bahagyang yumuko. Nakigaya lang din ako sa iba kasi di ko naman alam ginagawa nila sa ganito eh. Bahagyang tumawa ang prayle a saka niya itinaas ang kanang kamay niya na para bang pinapatahimik kami.
"Hindi lingid sa aking kaalaman ang mga nangyayaring rebelyon. Noong una'y nagsimula lamang ito sa usapan ukol sa mga ladron y landrona ngunit ngayo'y malalakas na ang loob nilang lumusob sa mga tahanan!" ang kaninang normal na boses nito ay biglang naging malakas
Umalingawngaw sa kabuuan ng simbahan ang galit na boses ng prayle na animo'y may kaaway.
Ladron- male thief
Ladrona- female thief"Ang mga walanghiyang iyon! Mga tonta! (Stupid) Kumikilos na lang bigla bigla at aba'y nais pa yatang kalabanin ang gobyerno! Kadalasang mga kasapi ng mga rebelde ay ang mga indio! Mga walang alam! Walang pinag-aralan! Mga bobo! Nawa'y masunog sila sa impyerno!"
Gusto ko na lamang mapaismid dahil sa mga pinagsasasabi ng prayle na 'to like..naging pari ka nyan? Napansin ko din ang bahagyang pagsulyap niya sa kinaroroonan namin ng banggitin niya ang salitang indio.
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...