Kabanata 12

198 10 6
                                    

Kanina pa ako nakabusangot habang hinihintay ang heneral mula ng umalis ito kanina.

Sabi maghintay daw ako at may pupuntahan muna siya bago kami umalis..imagine? halos 2 hours na akong naghihintay nakakaloka ha

Napapikit ako ng mariin saka ako huminga ng malalim. Nang imulat ko ang aking mga mata ay saktong tumama ito sa isang pares na mata na sa tingin ko ay kanina pa nakatingin.

"Ay kalabaw!" gulat na sigaw ko ng sandaling magtama ang paningin namin ng heneral

Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Napairap na lang ako dahil feeling ko pinag-iisipan ako ng masama ng lalaking 'to kapag ganitong wala man lang siyang expression

"Bakit ka ba nanggugulat ha?!" singhal ko sa kanya pero hindi siya sumagot bagkus umangat lang ang sulok ng labi niya kaya napaiwas ako ng tingin

My gosh weakness ko ang smirk tapos umiigting ang panga hahaha check ko soon kung umiigting ba panga niya.. gagalitin ko siya ng bonggang bongga

"Maghanda ka na..aalis na tayo" napaayos ako sa buhok ko dahil sa sinabi niya saka ako ngumiti ng malapad

Sinusundan ko siya ng tingin habang nangunguna siya sa paglalaka palabas. Agad sumalubong sa amin ang kalesa na siyang gagamitin namin papunta sa kung saan.

"Kung may problema rito,sabihin niyo lang sa akin..maliwanag?" bilin ni heneral kay kuyang guard.Tumango lang ito ng tatlong beses at saka sumagot "Si, señor" (Yes,sir)

Agad na umakyat si heneral sa kalesa kaya palihim akong napangiti. Ito na 'yung iaabot niya 'yung palad niya sa akin kapag aakyat na ako tapos aalalayan niya akong umakyat.

Kyaaaaah

Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko habang pinipigilan ko ang ngiti at kilig na kanina pa gustong kumawala

"Ikaw ba'y hindi pa sasakay sa kalesa?magmadali ka't ayokong mahuli sa pagsasalo" ngumiti lang ako ng malapad kay heneral saka ako lumapit sa kalesang sinasakyan niya

Nage-expect ako ng palad na nakalahad bago ako umakyat pero walang anumang palad ang nakalahad sa harapan ko kaya napasimangot ako. Tinignan ko ng masama si heneral pero nakapikit lang siya. Bumulong bulong ako ng isampa ko ang kanang paa ko sa kalesa pero laking gulat ko ng may tumampal sa noo ko.

"Aray!" asik ko

Napatingin ako kay heneral at mas lalo akong nabugnot ng makita ang walang ekspresyon nitong mukha.

"Bakit ka ba nananampal ng noo?!" galit na bulyaw ko sa kanya pero ang lolo niyo ngumisi lang saka bumaling sa akin

"Bakit ka narito?" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya

"Malamang sabi mo kailangan bang sumakay sa kalesa dahil ayaw mong malate—este mahuli sa salo-salo tapos ngayong sasakay na ako bigla mong tatampalin ang noo ko..ikaw na lalaki ka nanggigigil ako sa'yo ha" mariin akong napapikit at pilit kong pinapakalma ang sarili ko

"Hindi rito" napatingin na naman ako sa kanya ng masama dahil sa sinabi niya

"Hindi rito ang alin? ayaw mong sumakay ako rito? eh saan ako sasakay?" biglang may kalokohang pumasok sa isipan ko kaya dali dali akong tumabi sa kanya na siyang kinagulantang niya "Gusto mo ba..." inikot ikot ko ang dulo ng buhok ko saka ako ngumiti ng mapang akit sa kaya ".. sa'yo na lang ako sumakay?" napaubo siya sa sinabi ko kaya napatawa ako ng malakas

"Baba" seryosong sabi niya sa akin kaya napailing ako

Aba grabeng effort kaya ang ginawa ko para lang makaakyat dito sa kalesa na may kataasan.

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now