Maingat kong inilapag sa sako ang ginamit kong kumot. Gising na ang lahat pwera sa mga bata na ngayon ay mahimbing pa ring natutulog sa lapag. Lumapit ako ng kaunti sa kanila at inayos ang kanilang mga kumot na marahil ay nasipa nila habang natutulog.
"Magandang umaga" napatayo ako nang may magsalita sa aking likuran na agad ko din namang binata
"Magandang umaga din, Martin" napatitig ako sa kanya at pansin ko na parang may iba sa kanya
Ang presko niya tignan ngayon, ang linis masyado ng damit niya at maaliwalas ang itsura niya. Sandali ko pa siyang pinasadahan ng tingin at hindi ako mahihinto kung hindi lang siya natawa.
"Tapos ka na bang titigan ako, Nathalia?" nabalik ako sa huwisyo nang dahil sa pananalita niya
Napatikhim ako at saka tumango tango.
"Tila ba May kakaiba sa iyo, masyado kang maaliwalas tignan. Siguro..may pinopormahan ka 'no?" pange-echos ko sa kanya na tinawanan lang niya
"Nais ko sanang magtungo sa Ilog Tangis ngayon, nais mo bang sumama?" sandali akong napa-isip a lumingon kay Alonso na napansin niya rin "Maaari nating isama si Alonso kung iyong nanaisin" napangiti ako at tumango
Mabuti na lang at gumawa sila ng palikuran kung kaya't agad akong nagtungo doon at nagbihis. Hindi man masyadong okay ang suot ko ngayon pero pwede na rin dahil kumportable naman na ako sa kasuotan nila.
Nang magising si Alonso ay inayusan ko na rin siya saka ako tumango kay Martin na nakatingin pala sa amin ngayon.
"Kayo ba'y ayos na?" tumango ako at hinawakan ang kamay ni Alonso
Ang ilog tangis daw ay nasa baba lang ng bundok. Wala kaming magiging problema dahil wala naman daw nakakakilala sa amin kung kaya't hindi na daw dapat ako kabahan.
Kanina pa kasi ako tanong ng tanong sa kanya na baka may makasalubong kaming guardia civil. Na baka isipin nilang mga rebelde kami lalo na ngayon na mas humigpit ang mga guardia civil.
Nasa gitna kami ng paglalakad nang nakabitin ako ni Alonso na agad ko namang nilingon. Nginitian ko siya at bahagyang nilapitan. Inangat niya ang dalawang kamay niya senyales na nagpapabuhat siya kaya natatawa ko siyang binuhat. Bahagya akong napaatras dahil medyo mabigat din pala ang batang ito pero hindi na ako nagreklamo at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Marahil sa tagal namin maglakad ay napagod na siya kaya nagpapabuhat na.
Nakapulupot ngayon ang kanyang mga paa sa aking bewang at hawak hawak ko ang kanyang hita. Napapatingin siya sa akin at napapangiti kaya nginingitian ko din siya
Apaka cute na bata talaga ni Alonso!
Napalingon sa amin si Martin nang mapansin niyang may pagkamalayo kami sa kanya. Hindi ko na siya nasabihan ng "sandali lang" nang magpabuhat si Alonso. Napangiti siya nang makita ang itsura namin ni Alonso saka siya lumapit.
"Kanina pa ako nagsasalita ngunit labis akong nagtatakha dahil walang sumasagot..narito pa pala kayo" natawa siya nang maalala niya ang sarili niya na panay salita pero wala naman palang kausap
"Ako na ang magbubuhat kay Alonso, baka hindi ka na tumangkad pa" panga-asar niya na agad ko namang tinaliman ng tingin dahilan para mas matawa siya "Ako'y nagbibiro lamang"
Agad niyang kinuha sa akin si Alonso na ngayon ay mas komportable na yata kumpara kanina. Napakamot ako sa ulo ko dahil feeling ko kahit hindi nagsalita si Alonso pinapamukha niyang hindi siya komportable sa akin kanina.
"Ano palang gagawin natin sa Ilog Tangis?" pagtatanong ko habang nagmi-make face kay Alonso na kanina pa tumatawa
Tutal nakaharap naman siya sa gawi ko, sandali akong nagtatago sa palad ko at kapag haharap na ako kay Alonso ay bigla akong magdu-duling, meron yung hihilahin ko pareho kong tenga at magmumukha akong unggoy, at marami pang iba. Kanina pa tawa ng tawa si Alonso habang karga siya ni Martin.
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...