Meet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?!
Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...
Totoo ngang maliit lang ang barrio na ito. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Aling Milagrosa papunta daw sa palengke na ilang bahay lang ang layo mula sa bahay niya. Ang pamilihan dito ay para lang sa buong barrio, sapat na ang mga ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa sa lugar na ito.
Papasikat pa lang ang araw pero ang mga tao dito ay marami nang ginagawa. May mga nadadaanan kaming maliliit na bahay na unti-unti nang binubuksan ang kanilang mga bintana. Kapag nakikita nila si Aling Milagrosa ay agad nilang bi
abati ang babae. Hindi naman nila ako kilala kaya bakit naman nila ako babatiin diba? Ngumingiti lamang sila sa akin na sinusuklian ko rin agad ng isang pamatay na ngiti
Akala ko noong una'y papabayaan na lang ako ni Aling Milagrosa na nakatalukbong pero ang lola niya tinampal ang pwet ko tumayo tuloy ako ng wala sa oras. Ngayon ay hawak ko ang maliit niyang bayong kung saan namin ilalagay ang mga pinamili niya.
"Ano po bang lulutuin niyo, Aling Milagrosa?" pagtatanong ko
Sandali pa siyang nag-isip na para bang hindi pa siya sigurado kung ano nga ba ang gusto niyang kainin sa agahan. Edi sana hindi niya muna ako ginising diba? Huhuhu
"Magluluto ako ng adobo" tila ba nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ng paborito kong ulam
Matagal na rin akong hindi nakakain ng maayos dahil puro saging at kamote ang kinakain namin sa bundok. Hindi sa pagrereklamo..ayy pero parang nagrereklamo pala ako.
"Pabili ho" ika ni Aling Milagrosa nang mahinto kami sa isang bahay na isa palang pamilihan
"O ikaw pala Milagrosa, magandang umaga. Anong kailangan natin?" maganda ang ngiti ng isang babae na sumalubong sa amin
"Pabili ako ng kagitna ng manok" halos mapapalakpak ako nang marinig kong marami siyang bibilhin. Marami na ang kalahating kilo para sa aming dalawa
"Dalawampu't limang sentimo" ika ng babae matapos niyang ikilo ang manok sa parang weighing scale na metal o bato lang nilalagay sa kabilang dulo para malaman kung mas mabigat ba ang nabili mo kaysa sa metal na ilalagay nila sa isa pang dulo.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Agad na nagbayad si Aling Milagrosa saka naman kami nagtungo sa isa pang bahay na nagbebenta naman daw ng mga pampalasa. Iilan lang ang nabili niya dito dahil may mga natira pa naman daw siyang ibang pampalasa sa bahay niya. Kung may kulang naman daw mamaya, uutusan niya na lang daw ako.
Apakagalingniya naman hihihi
Napadaan muna sandali sa tahanan ni Kabeza at napangiti ako nang makita ko si Alonso na malinis na ang damit at nasuklayan pa ang kanyang buhok. Pinasama muna siya sa amin ni Kabeza dahil may lalakarin daw siya sandali. Sinabihan niya na rin ako na magpunta sa kanyang tanggapan mamaya dahil marami daw siyang katanungan para sa amin ni Alonso.