Napapadalas ang bisita ko kay Luis at mabuti na lang pinapayagan ako ni Martin. Nakakulong pa rin si Luis pero hindi na siya nakatali bagay na ikinatuwa ko.
Ngayon ay papunta na naman ako sa kanya habang may dala akong bayabas na inakyat ko pa kanina. Paniguradong matutuwa siya dahil hilig niya pala ang bayabas.
Nakangiti akong dumiretso sa kanyang kulungan pero nakita ko siya sa isang sulok at natutulog. Doon ko lamang napansin na papasikat pa lang ang araw kaya napakamot ako sa ulo ko.
Masyado na akong excited na makita siya?
Lihim akong napahagikgik dahil alam ko sa sariling kong excited akong makita siya. Umupo na lamang ako sa gilid ng kulungan at saka siya pinagmasdan habang natutulog siya. Ang aking mga mata ay naglakbay sa kanyang mga mata, pababa sa kanyang ilong at pababa sa kanyang mga labi.
Nakatakip ako sa bibig ko at humagikgik na naman nang maalala kong nag-kiss na kami.
Kiss ko kaya ulit siya? Hihihi
Para akong ewan na pinagmamasdan lang siya habang natutulog siya. Mas gugustuhin ko pang gawin na lang 'to araw araw kaysa naman sa ipagsisiksikan ang sarili ko sa mga babae dito na ayaw akong kausapin..except kay Rosita syempre.
Makalipas ang mahabang oras ay nagu-umpisa nang magliwanag. Tilaok naman ng mga manok ang nangingibabaw sa buong kabundukan kapag ganitong oras.
Kumibot kibot ang labi ni Luis na para bang bumubulong kaya napahagikgik na naman ako dahil para siyang bata sa paningin ko.
Ang cute naman ng "aking ginoo" ackkkk!! HAHHAHA omg he's mine
Nanatili ako sa tabi niya habang natutulog siya. Ilang sandali pa ay na-bored ako kaya naisipan kong maghanap pa ng ibang pwedeng ibigay kay Luis.
Naglakad lakad ako habang sinisilip ang mga puno kung may bunga ba o wala. Puro bayabas lang ang nakikita ko kaya napapakamot na lang ako sa ulo. Napagdesisyunan ko na lamang na bumalik na lang at baka gising na si Luis pero pagpihit ko patalikod ay bumungad sa akin ang pagmumukha ng babaeng nangi-irap.
"Paumanhin, nagulat ba kita?"
Ay hindi, na surprise mo lang ako teh!
"A-ahm..ah hahaha oo eh. Hindi ko lang inaasahan na nasa likuran papa kita" pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kanya na agad din niyang sinuklian
"Bakit ka nga pala narito? May hinahanap ka ba?" pakiki-usyoso niya
Umiling iling lang ako at bahagyang winave ang kamay para ipabatid na wala akong hinahanap.
"Wala lang, naghahanap lang kung may iba pang pwedeng mapitas"
"Para sa iyong nobyo?" pagtatanong niyang muli
Nobyo? Ano ka nga ba si Luis? Wala kaming label eh pero nag-kiss na kami?
"Oo sana, dadalhan ko siya ng pagkain" ngumiti siya nang bahagya at lumingon sa kanan
"Sa gawing iyon ay may iba't ibang puno kang matatagpuan ngunit masukal ang daan. Mainam lamang na mag-ingat ka" lumingon din ako sa kanan at saka ko niliitan ang mata ko na para bang may makikita ako kapag ganon
"Ah ganon ba? Sige, susubukan ko. Salamat pala" sabi ko saka ako naglakad patungo doon dala ang isang maliit na bilao
Hindi ko alam kung gaano katagal ako naglakad pero agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang iba't ibang prutas na fresh na fresh!
Dali dali kong hinubad ang panyapak ko saka ako parang unggoy na umakyat sa puno. Sinigurado kong malambot ang lupa na pagbabatuhan ko para hindi malamog ang mga pinitas kong dalandan, mangga, at kasoy
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...