Kabanata 18

219 11 21
                                    

Tatlong araw na ang lumipas ng mapilay ako at medyo okay na ako. Ngayong gabi ay may pupuntahan daw kami ni heneral tinatanong ko kung saan ang isinasagot ba naman "Malalaman mo rin"

Oh diba ang tino niya kausap

So ayun na nga nandito ako ngayon sa sala ng mansyon nila heneral hinihintay ko siyang matapos sa pag-aayos. Ayos ah mas mabilis ako kumilos sa kanya tsk tsk tsk

"Tayo na" agad akong napatayo at napanganga dahil sa sinabi niya

Kami na? teka 'di pa siya nanliligaw ah tapos kami na agad? hmp! anong akala niya sa akin? madaling makuha?

Sa inis ko ay agad ko siyang tinalikuran saka ako dali-daling umakyat ng kalesa. Alam kong nagtataka siya ngayon sa kinikilos ko pero wala akong pakialam!

Makalipas lang ang ilang segundo ay umakyat na rin siya sa kalesang sinasakyan ko. Agad akong umusog papalayo sa kanya kaya napabaling siya sa akin.

"Huwag mo akong layuan na para bang may ginawa akong hindi kanais nais" nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya

Ngayon nagmamaang maangan siya?wow ha!

Hindi ko na siya pinansin bagkus inirapan ko lang siya saka ako nagfocus sa pagtingin tingin sa bintana. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya pero 'di ko parin siya pinansin.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng antok kaya naman sumandal na lang ako sa bintana saka ako humalukipkip.

**
"Thalia..gumising ka na narito na tayo" maya maya lang aa tapik sa pisngi ko hindi naman kalakasan pero nagising ako dahil doon.

Pagkamulat ko ng mata ko ay agad kong nasilayan ang pagmumukha ni heneral na nakatunghay sa akin. Napabalikwas ako ng bangon at saka dali daling lumayo sa kanya.

"Bakit ang lapit mo sa akin? hindi mo ba alam na bawal magdikit ang balat ng isang binata at dalaga?" panenermon ko sa kanya pero bahagya lang siya tumawa na para bang may sinabi akong joke..letche

"Binata at dalaga? paumanhin akala ko'y isa kang bata" pagkasabi niya ng salitang iyon ay bumaba na siya kaya pigil na pigil akong tumili.

Lumapit na ako sa may babaan ng kalesa saka ko siya nakitang naglahad ng palad pero inirapan ko lang siya.

"Kaya ko bumaba mag-isa HENERAL" nakabusangot na sabi ko

Ngumiti lang siya at dahan dahang tumango pero kita ko sa peripheral vision ko na nakamasid siya sa kilos ko pababa na para bang anytime handa siyang saluhin ako sa oras na mahulog ako..nyemas hindi mahulog na parang fall in love ha?dahil 'di ko siya bet we'll pogi siya pero 'di ko talaga siya bet PROMISE

So ayun nga pagkababa ko ay agad akong nanguna sa paglalakad at siya ang nasa likuran ko na para bang bodyguard ko siya at lahat ng haharang sa dinadaanan ko ay itutumba niya oh pak ganda n'on.

"Nathalia" sandali akong natigil sa paglalakad pero nagpatuloy ulit ako at doon ko lamang napansin na nasa bahay kami ni Samuel!

Nakangiti akong bumaling kay heneral pero mukhang maling desisyon ang lingunin siya dahil nahuli ko siyang nakatingin sa akin!

Alam kong maganda ako at nakakahalina talaga ang kagandahan ko pero I kennat!hahaha

Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni heneral na siyang tagumpay ko namang nagawa.

"Ibabalik mo na ba ako kay Samuel?" nakangiting tanong ko sa kanya pero umiling iling lang siya kaya napalapit ako ng konti sa kinaroroonan niya "Eh anong ginagawá natin dito?" nagtatakhang tanong ko

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now