Kabanata 43

72 7 0
                                    

Pagkabalik ko ay masaya akong naupo sa harapan niya. Bitbit ko ang isang dahon ng saging kung saan nakalagay ang kanin na parang lugaw at kalahating isda. Buti na lamang ay maagang umalis ang ilan sa mga kalalakihan para mangisda at kahit papaano'y nakarami sila.

"Kain tayo" muli akong umupo sa harapan niya saka ako nakangiting bumaling sa kanya na nakatingin lang sa harapan niya.

Sumubo na ako ng kanin at kumuha ng maliit na parte ng isda. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain ako at katakha takhang tahimik siya na tila ba may malalim na iniisip.

Sinundot sundot ko ang balikat niya dahilan para mapalingon siya sa akin. Agad akong napatingin sa kanyang mga mata at napabuntong hininga ako nang makilala ko kung sino ang nasa aking harapan.

"Lucas.." mahinang usal ko

Sandaling umangat ang kanyang kanang kilay saka siya umismid sa tumingin na naman kung saan.

"May pagkain ako dito, kain ka na rin" pag-aaya ko sa kanya pero tinalikuran niya lang ako dahilan para mapasinghap ako

Attitude ka ah!

"Ayaw mo ba talagang kumain? Hindi ka pa nakakakain simula kanina eh bukod sa mga dinala kong dalandan" sabi ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin dahilan para mapanguso ako "Anong ginawa ko sa iyo? Grabe makatingin ha" bubulong bulong na saad ko

"Anong ginawa mo kay Luis at ilang araw akong hindi makalabas?" bakas ang galit sa tono niya kaya nagtatakha ko siyang binalingan

Napailing iling ako habang inaalala kung may ginawa nga ba ako kay Luis.

So far, wala talaga akong maalala

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, wala akong ginawa sa kanya kahit na ano."

"Ngunit bakit hindi ako makalabas? Ang akala ko'y kakausapin mo lang siya ng ilang sandali kaya ako pumayag na palabasin siya para sa iyo. Ngunit bakit? Bakit hindi ako makalabas ng ilang araw?" ang kanyang tingin ay mas tumalim kaya naman nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang iginagawad na tingin sa akin

"Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo, nag-usap lang kami nang sandaling iyon..wala ng iba" page-explain ko

Sandali siyang natahimik kaya tinignan ko siya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang sinisigurado kung nagsasabi ba ako ng totoo o ituuto ko lang ba siya.

"Nagsasabi ako ng totoo, Lucas" paninigurado ko sa kanya

Inismidan niya na naman ako saka siya sumandal sa kawayan. Ilang sandali pa ay narinig ko ang malakas na pagkalam ng kanyang sikmura kaya natawa ako ng mahina. Sinaman niya na naman ako ng tingin kaya napanguso na lamang ako habang sinesenyas sa kanya ang hawak kong pagkain.

Napapikit siya ng mariin saka nagpakawala ng ilang malulutong na mura bago muling tumingin sa hawak ko. Ilang sandali pa ay inilusot niya ang kamay niya sa butas kaya inabot ko sa kanya ang dala ko. Kahit papaano'y nakakain naman na rin ako kaya sa kanya na lang iyon.

Kita ko sa kanyang mukha na naga-alangan pa siyang kumain pero dahil sa muling pagkalam ng kanyang sikmura ay nakapikit siyang sumubo ng pagkain. Wala pa sa cince minutos ay ubos niya na ang pagkain kung kaya't inabutan ko siya ng baso ng gawa sa kawayan na may lamang tubig.

"Inom ka muna" mabuti na lamang ay hindi na siya tumanggi at tinanggap na lang ang inaabot kong baso

Nang matapos siyang kumain ay nabalot kami ng katahimikan. Nakatingin lang ako sa paa ko habang siya nama'y nakatingin na naman kung saan.

Magpapaalam na ba ako? Pero saan ako pupunta if ever?

"Anong nangyari sa iyong paa?" napatingin na naman ako sa kanya at napansin kong nakatingin siya sa aking paa na walang pangyapak

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now