Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao habang naglalakad. Paanong hindi ako pagtitinginan eh tinali nila ang kamay ko sa likod na para bang isa akong magnanakaw na tumakas sa kanila. Bukod doon, tatlo silang pinaggi-gitnaan ako ngayon. Literal na bantay sarado ako ng mga kupal na guardia civil. Idagdag mo pa ang itsura ko na may maduming kamiseta, mahabang saya na kanina pa natatapakan ng guardia civil sa likuran ko. Kung wala lang silang baril kanina ko pa sana siya sinigawan.
Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang samu't saring pangkukutya ng mga taong nadadaanan namin na para bang sure na sure silang may ginawa akong kasalanan sa sambayanan.
"Hindi na siya nahiya, kababaeng tao niya ngunit nagagawa niyang magnakaw?"
"Nangnakaw? Ayon sa aking narinig na usapan sa unahan ay isa siyang babaeng bayaran na tumakas sa bahay aliwan dahil nais na raw umano niyang magbagong buhay"
"Babaeng bayaran? Ang akin namang narinig ay isa siyang miyembro ng rebelde kung kaya't matagal na silang pinaghahanap ng pamahalaan"
Napapairap na lang ako habang pinapakinggan ang mga bintang nila sa akin. Sa pagkakatanda ko naiwan kasi ako sa Bundok Pahit kaya wala akong choice kung hindi ang sumama sa pangkat ng mga rebelde. Ngayon ko lang nalaman na nagnakaw ako..like, anong mananakaw sa panahon niyo? Kailan pa ako naging babaeng bayaran? Sa height kong ito mukha ba akong dalaga na nagtatrabaho sa bahay aliwan para sa pera? Kakaloka kayo, gagawa na nga lang ng chismis hindi pa angkop sa itsura ng pinag-uusapan niyo.
Nang mapatingin sa akin ang grupo ng mga kababaihan na nagu-usap ay agad ko silang sinamaan ng tingin kaya dali dali silang nagsi-iwas ng tingin na para bang biglang naduwag sa pamatay kong tingin.
Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, sa tingin ko'y marami na ang nakabulagta kanina pa. Like gosh! Paano nila nagagawang mag-judge without even knowing the truth?! Typical ugali talaga ng mga tao tsk tsk tsk.
Nangangalay na ang mga paa ko sa kakalakad. Hindi ko alam kung gaano katagal na kami naglalakad basta ang alam ko matagal na kaya nakakaramdam na rin ako ng pagod. What if magpanggap akong nahimatay para buhatin na lang nila ako? Pero hindi rin pwede eh kasi diba hindi nila dapat na mahawakan ang balat ng babae sa panahon na ito? Paano kung ipahila nila ako sa kabayo diba?
Nauuhaw na rin ako at ramdam ko na ang pagkatuyo ng lalamunan ko. Feeling ko kapag magsasalita ako ay bigla na lang ako mapi-piyok. Ilang sandali pa ay tanaw ko na ang bukana papasok sa Fort Santiago. Kung hindi ako nagkakamali ay dito kinukulong at pinaparusahan ang mga taong kalaban ng pamahalaan.
Biglang nanindig ang balahibo ko nang ma-imagine ko na nasa loob ako, nakatali at nilalatigo. Mas lalo tuloy natuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba. Papaano'y panay lunok ng laway na lang ang nagagawa ko habang himakahbang papasok sa Fort Santiago.
Hindi maitatangging ganitong ganito ang Fort Santiago na nakita ko noon sa hinaharap. Marami nga lang nagbago dahil na rin sa mga naiwang bakas ng ikalawang digmaang pandaigdig. Napatingin ako sa kanan ko at tanaw ko ang hukbo ng mga guardia civil na sabay sabay nagma-martsa habang bantay sarado sila ng isang lalaking pamilyar sa akin. Tinandaan kong mabuti kung saan ko nga ba siya nakita at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makilala ko siya.
Siya si Agustin!
Seryoso ang itsura nito at bakas ang pagiging strikto sa kanya habang nakatingin sa mga kalalakihang kanina pa nagma-martsa. Ilang sandali pa ay May sinabi siya sa mga ito kaya namagrtsa naman sila paikot ng Fort Santiago. Bago ako tuluyang nag-iwas ng tingin ay nakita ko pang may lumapit na lalaki sa kanya, naka-uniporme din pang sundalo. May binulong ito sa kanya na siyang tinanguan niya at iniwan niya bilang tagabantay sa mga naiwang guardia civil na noo'y paikot kung mag-martsa.
![](https://img.wattpad.com/cover/264377466-288-k688668.jpg)
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Ficción históricaMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...