Kabanata 44

64 6 0
                                    

Natigilan kaming anim dahil sa aming narinig. Bahagya pa kaming nagtinginan nang marinig namin ang balita.

Paanong...

Hindi naman sa ayaw kong makalabas siya sa kulungan pero..paanong nakatakas siya? O may nagpatakas sa kanya?

Pasimple kaming umatras at nagsi-unahan sa pag-alis sa lugar na 'yon. Nagmamadali kaming maglakad pabalik sa bundok dala ang mga pinamili namin. Palinga linga kami habang naglalakad dahil bigla kaming kinabahan sa sinabi nilang nagbalik na si Luis.

Paano kung bigla kaming sugurin sa kampo? Bakit..niya ako iniwan dito?

Bigla akong nakaramdam ng sakit nang ma-realize ko na iniwan niya ako kasama ang mga rebelde.

I felt betrayed ha

"Bilisan niyo, dapat tayong makabalik sa bundok bago pa man may mangyaring hindi maganda. Talasan niyo ang inyong mga pakiramdam, baka mamaya ay may nakasunod na sa atin" seryosong sabi ni Elena

Pansin ko ang pagiging alerto ng mga kasamahan ko bukod sa akin na hindi alam kung saan ba banda titingin. Nangunguna sa paglalakad si Elena at nasa bandang likuran niya naman ako. Siya mismo nagsabi na sa likod niya daw ako pumuwesto samantalang ang iba naman ay sa likuran namin na para bang willing sila banggain ang hahabol sa amin.

Hindi pa man kami nakakalayo nang marinig ko ang sigaw ng Lena, isa sa mga kasama namin ngayon.

"May sumusunod! Takbo!" sa kaba ko ay mabilis din akong tumakbo paakyat ng bundok, hindi ko na inisip pa na baka masira ang bakyang suot ko

Para kaming nasa karera sa sobrang bilis ng takbo namin paakyat. Sinubukan kong lumingon para tignan kung sino ang himahabol sa amin. Tanaw ko ngayon ang dalawang lalaki na naka-uniporme ng guardia civil, may dala dala silang baril na mahahaba kaya nanlalaki ang mga matang mas binilisan kong tumakbo.

Hinihingal may ay wala akong choice kundi ang sumabay sa kanila sa pagtakbo kaysa naman sa maiwan ano at ikulong. Nauuna na ang iba at tatlo na lang kaming nasa hulihan dahil literal na mabilis tumakbo ang iba.

Muli akong lumingon at halos tambulin ang puso ko sa kaba nang makita ko ang isa sa mga guardia civil na tinututukan na ng baril ang direksyon namin. Nag-ipon ako naglakas ng loob bago ako sumigaw na malakas para marinig din ako ng nasa unahan namin.

"Yuko!! May dala silang mga baril!" malakas na sigaw ko at kasunod non ay ang sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko

Muntik na kaming tamaan kung hindi lang kami napadaan sa mga puno marahil ay nakahandusay na kami ngayon.

"Bilis!! Takbo pa!!" sigaw ko at mas binilisan kong tumakbo kahit na konti na lang mawawalan na ako ng hininga

Mabuti na lang at naging member ako ng Track and  field, hindi ko alam na kakailanganin ko pala ang skills na ito sa panahon ngayon

Salita ako nang salita habang tumatakbo, sinasabi sa mga kasama ko na kaunti na lang ay maaabutan na namin sila Elena. Walang sumasagot kaya batid kong pagod na rin sila para magsalita pa kaya tumakbo pa rin ako ng mabilis.

Nang mapansin kong kumanan sila Elena ay agad kong sinabihan ang mga kasama ko kasi paniguradong hindi nila nakita ang pagpunta ng iba sa gawing kanan.

Agad akong kumanan at sumunod sa kanila Elena, nagsitalunan sila sa trap na ginawa nila kaya sumunod din ako. Dali dali naming tinakpan ang aming mga sarili ng mga tuyong dahon. Sa sobrang dami non ay hindi kami mahihirapang magkubli.

Ilang sandali pa ay rinig na namin ang yabag ng mga tumatakbo papalapit sa aming direksyon. Napatingin ako sa maliit ng butas at kita ko ngayon ang dalawang guardia civil na nakatingin ngayon sa amin.

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now