Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito habang yakap yakap ko si Alonso, tumatakbo papalayo. Nanginginig si Alonso habang buhat buhat ko siya.
Hindi ko batid kung paanong tumatakbo na kami ngayon samantalang tahimik lang kaming nakakubli sa ilalim ng mga dahon kanina. Hinihingal na ako sa kakatalbo at idagdag mo pa ang katotohanang bitbit ko pa sa aking mga braso si Alonso na sa tingin ko ay nasa fifteen kilos. Pakiramdam ko ay mababalian na ako ng kamay at mawawalan na ako ng hininga.
Sandali akong lumingon at kita ko ang dalawang guardia civil na pilit humahabol sa akin. Labis ko talagang ipinagpapasalamat na naging member ako ng Track and Field kaya mas naging madali para sa akin ang tumakbo ng mabilis.
Tahimik na natutulog sa aking mga bisig si Alonso habang ako ay nanatili namang alerto sa paligid. Mabuti na lamang at may munting siwang na nabuo ang kumpol ng mga dahon kung kaya't hindi ako nahirapang tignan kung sino ang mga paparating.
Tanaw ko ang grupo ng mga guardia civil na nagwatak watak upang hanapin si Martin, upang hanapin kami. Dala nila ang kanilang mahahabang baril na may maliit pang balisong sa may dulo.
Tila ba nanigas lang ang aming katawan ni Alonso sa ilalim ng mga dahon. Mabuti na lamang at hindi rin umiral ang pagiging magulo niya habang natutulog. Tahimik lang sana kaming nagkukubli ni Alonso kung hindi lang ako nakaramdam ng gumagalaw at madulas na balat sa ilalim ng aking saya. Hindi na rin sana ako kakabahan pa kung hindi ko lang narinig ang kanyang pamilyar na tunog
"Ssssss" agad kong tinakpan ang aking bibig nang unti unting gumapang ang ahas patungo sa aking hita. Butil butil na rin ng pawis ang tumatagaktak sa aking sentido dahil sa kaba at takot ko
Isa sa mga pinaka-kinatatakutan ko ay ahas. Kung wala lang nakakalat na guardia civil ay kanina pa ako nagsisigaw at tumatakbo palayo. Mas nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman kong pumasok pa lalo ang ahas papunta sa aking..
Hindi ko na kinaya ang sitwasyon na iyon kaya agad kong binuhat si Alonso na noon ay naalimpungatan. Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa kung saan, hindi ako maaaring dumiretso sa kweba dahil mapapahamak ang lahat. Napatingin sa gawi naman ang dalawang guardia civil at ilang sandali pa ay pinapaulanan na kami ng bala ng dala. Pakanan at pakaliwa akong tumakbo dahilan para tumama lang kung saan ang kanilang mga bala.
Kailangan kong iligaw ang mga guardia civil at kailangan ko ring siguraduhing magiging ligtas si Alonso.
Muli akong napayuko nang bahagya nang magpakawala na naman ng putok ang isang guardia civil. Mabuti na lamang at sa puno tumatama ang lahat ng pinapakawalan nila.
Guardia civil ba talaga sila? Bakit parang mga duling nama, ni hindi nga tumatama
Halos mataranta ako nang mapansin ko ang dalawa pang guardia civil na papasalubung sa amin kaya kumanan ako at mas binilisan ko ang pagtakbo ko. Napapaiyak na lang ako sa isip isipan ko dahil wala akong makitang pwedeng maging escape route ko.
Ngunit halos mag-ningning naman agad ang mata ko nang makita ko ang isang bato ngunit alam kong sa dulo noon ay May naghihintay na malalim na ilog. Napapiksi ako nang maramdaman ko ang pagdaplis ng bala sa aking kanang balikat ngunit hindi ko na ininda pa iyon. Mas mahalaga sa akin ngayon ay masigurong nabubuhay kami ni Alonso.
Mas nanaisin ko na lang din na mamatay sa pagkakalunod kaysa mamatay na puno ng butas ang katawan dahil sa mga bala. Nang mapansin ng mga guardia civil ang balak ko ay mas nagpaputok pa silang sunod sunod bagay na ikinagulat ko. Pikit mata akong tumakbo papasulong sa malalim na ilog. Bago ako tuluyang tumalon ay naramdaman ko pa ang pagtama ng bala sa aking hita na siyang ikina-igik ko.
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...