Kabanata 14

188 14 22
                                    

Halos isang linggo na ang nakalilipas matapas ang nangyari sa party ng mga Rividiego at tandang tanda ko pa kung paano niya ako hinila paalis sa lugar na iyon.

"Sumama ka sa akin"

Napatingin ako sa nagsalita at sa taong nanghila sa akin paalis sa party.
Napangiti ako ng magtama ang paningin namin.

"Salamat.." sinserong sabi ko saka ko hinigpitan ang paghawak sa kamay niya "..Ginoong Samuel"

"Ilalayo muna kita ayokong makitang inaapi ka" napangiti ako dahil sa sinabi niya saka ako bahagyang napa flip hair

Napahagikgik ako ng maaalala ko ang ginawa niyang paghila sa akin papalayo doon. Feeling ko isa akong mortal na inilayo ng isang prinsipe sa mga huklubang nakapaligid sa akin.

"Hoy Nathalia! ano't tumatawa ka riyang mag-isa?" agad nabawasan ang saya ko ng marinig ko ang sigaw ng isa sa mga katulong nila Luis.

Siya si Romana at tatlong taon ang agwat niya sa akin. Ewan ko lang kung bakit ang init ng ulo sa akin ng babaeng 'yan. Lagi na lang niya pinupuna ang mga ginagawa ko konting ngiti lang "Anong ngini ngitingiti mo riyan?!magtrabaho ka nga!" minsan naman makita lang niya akong magpahinga saglit "Bakit nakaupo ka dyan ha?!ang tamad tamad mo talaga!ewan ko kung bakit ka pa tinanggap dito eh hindi ka naman tumutulong"

Napapairap na lang ako sa tuwing naaalala ko ang mga pinagsasasabi niya. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Luis o si Samuel dahil pareho silang busy sa mga trabaho nila. Wala nga sila pero may pumalit naman na isang—

"Nathalia pinapatawag ka ni Tinyente" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Marcela–isa rin sa mga kasamahan ko. Kung si Romana laging namumuna itong si Marcela naman laging mabait sa akin sa katunayan nga naging friends na kami kasi ang bait niya. Bigla ko tuloy naalala si Isabella nung umalis kami ni Samuel sa mansyon ng mga Rividiego

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad lakad sa plaza ng maalala ko si Isabella na kasama ni Samuel ng magpunta sa mansyon

Napatigil ako sa paglalakad gayon din siya saka niya ako binalingan

"Bakit ka huminto?" tanong niya kaya nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya

"Hala ka Ginoong Samuel!" sigaw ko saka ko siya hinampas sa kanang braso dahilan para tignan niya ako ng may pagtatakha

"Anong meron at hinahampas mo ako?may naging kasalanan ba ako sa'yo?" napailing ako sa sinabi niya "Kung gayon ay anong nangyari't tila ba nakakita ka ng multo riyan" tinignan ko siya ng masama dahilan para matawa siya ng bahagya

"Si Isabella naiwan sa mansión ng mga Rividiego.. paano siya uuwi? baka kung mapano 'yun.Bakit mo pa siya dinala doon kung iiwan mo lang pala siyang mag-isa doon? Naku ikaw Samuel ha sa oras na mabalitaan kong may nangyaring masama sa kanya sinisigurado ko sayong aahitin ko kilay mo" natawa lang siya sa sinabi ko habang umiling iling na para bang nakarinig siya ng funny joke

"Huwag kang mag-alala sapagkat noong oras na umalis tayo roon ay alam na nila ang gagawin sa aking tagasilbi"

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now