Nanatili akong nakatingin sa kanya na ngayo'y may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon pero isa lang ang masasabi ko, hindi ko ito magugustuhan.
"Bien entonces, en resumen lo que estás diciendo es que estoy enfermo, ¿verdad? Que tengo diferentes tipos de identidades que aparece de la nada. Una cosa más es que tienen sus propios nombres, edades y actitudes diferentes a las mías. Aparte de eso, pueden controlar mi cuerpo durante mucho tiempo. Si no me equivoco, una vez soñé con enfrentarme a otro hombre que se parece a mí. Es diferente en todos los aspectos, su sí, la forma de hablar y la forma de ordenarme que no salga de mi propio cuerpo. Si estoy en lo cierto, ese es Lucas" (Okay then, so in summary what you're saying is I'm sick right? That I have different kinds of identities that appears out of nowhere. One more thing is that they have their own names, age and attitudes which are different from mine. Aside from that, they can control my body for a long time. If I'm not mistaken, I once dreamed of facing another man who looks like me. He's different in all aspects, his yes, the way he talks and the way he commands me not to get out of my own body. If I'm correct, that's Lucas)
"Bilang buod, iyong sinabi na ang Gobernador Heneral ay may sakit. Na siya ay mayroong ibat ibat pagkakakilanlan na bigla na lamang lumalabas o sumusulpot mula sa kanya. Isa pa, mayroon silang kanya kanyang pangalan, edad at pag-uugali na siyang malayo sa pag-uugali niya. Bukod doon, sila and namamahala sa kanyang buong katauhan sa loob ng matagal na oras. Minsan na rin daw siya umanong nanaginip kung saan nakaharap niya ang isa sa kanila. Kakaiba umano ito sa lahat ng aspeto mula sa kanyang mga mata, paraan ng pananalita at and paraan niya kung paano niya utusan ang Heneral na huwag lumabas sa kanyang sariling katawan. Sa kanyang palagay ang kanyang nakita ay si Lucas" napakurap ako nang marinig ko ang kanyang sinabi, kung hindi ako nagkakamali pwede ring mag-iwan ng bakas ang isang alter para sabihin sa totoong may-ari ng katawan na nag-e-exist siya sa katauhan nito.
Napatango ako na lang ako dahil hindi ko naman na rin alam ang aking sunod na sasabihin.
"U-uhm isa pa pala" buti nalang at may naalala pa akong sabihin "Lumalabas ang mga alter sa kanya kapag may trigger o kung anuman na biglang nagpaalala sa kanya ng mga masalimuot na pangyayari sa kanyang nakaraan"
"Ella dijo que tus alters podrían surgir de ti si estás siendo desencadenado o si hay algo que te hace recordar cierto evento intrincado en tu vida que sucedió antes" (She said your alters might come out of you if you're being triggered or if there is something that makes you remember a certain intricate event in your life that happened before)
Sandali itong natahimik at napahawak sa kanyang baba na tila nag-isip pa.
"Supongo que es cierto, una vez que escucho algo siento como si mi cabeza estuviera a punto de estallar. Generalmente siento un fuerte dolor de cabeza repentino y después de eso, me encuentro en otro lugar y la fecha ya es diferente" (I guess that's true, once I hear something it feels like my head is about to burst out. I usually feel a sudden severe headache and after that, I'll find myself in another place and the date is already different)
"Sa kanyang tingin ay totoo daw ang iyong sinabi sapagkat may mga pagkakataong kapag nakakarinig siya ng kung ano, bigla na lamang daw sumasakit ang kanya ulo at pagkatapos noon ay bigla na lamang daw siya magigising na iba na ang petsa" tumango tango ako dahil alam ko na iyon
"Pues bien, ahora que sé lo que me está pasando, ya puedes continuar con los rebeldes, con tu grupo de rebeldes y todo" (Well then, now that I know what's happening to me, you may now proceed about the rebels, about your group of rebels and all) sinenyasan niya agad si Dante na agad ding sumunod
"Ngayon ay maaari ka nang magsalita ukol sa inyong mga rebelde lalo na sa inyong samahan" napabuntong hininga na lamang ako nang sabihin niya iyon
Sa katunayan ay hindi ko alam ang sasabihin ko dahil una sa lahat, hindi naman ako parte ng samahan nila. Sumama lang ako sa kanila dahil tumakas siya at iniwan niya ako kasama ang mga taong iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/264377466-288-k688668.jpg)
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...