Nanatili akong nakatingin sa kanya at ganon din siya sa akin. Humakbang siya papalapit sa selda ko ngunit ako nagpatinag, ni hindi ako nag-iwas ng tingin. Sinalubong ko ang matapang at madilim na mga mata niya.
"¿No eres una cosita luchadora? Que yo recuerde, no actúas así en la montaña. ¿No me tienes miedo? No me digas, ¿estás esperando que me transforme en otra persona? ¿OMS? ¿Tu amante?" (Aren't you a feisty little thing? As far as I remember you're not acting like that in the mountain. Aren't you afraid of me? Don't tell me, you're waiting for me to transform into someone else? Who? Your lover?) natawa siya ng nakakaloka saka siya muling nagseryoso
"Sé que sabes lo que me está pasando. Todavía me pregunto por qué sigo despertándome en diferentes lugares en los que nunca he estado antes y uno de ellos es la montaña donde ustedes, rebeldes y ladrones, se esconden. Ahora dime qué me pasa. ¿Eres tú quien me hizo esto? ¿Por qué? ¿Cuál es tu razón? Aparte de eso, quiero que me digas dónde están el resto de los rebeldes, dímelo y te perdonaré la vida. Habla antes de que te mate yo mismo" (I know you know what's happening to me. I'm still wondering why I keep on waking up in different places I've never been before and one of them is the mountain where you, rebels and thieves are hiding. Now, tell me what's happening to me. Are you the one who did this to me? Why? What's your reason? Aside from that, I want you to tell me where the rest of the rebels are, tell me and I will spare your life. Speak before I kill you myself) seryoso siyang nagsasalita habang palakad lakad sa harapan ko kaya sinusundan ko lang siya ng tingin
Nanatili akong tahimik kasi hindi ko naman alam isasagot ko sa kanya dahil nga hindi ko rin alam ang mga pinagsasasabi niya. Napahinto siya sa paglalakad saka siya nagbaba ng tingin sa akin.
"¿No me vas a contestar? Habla ahora antes de que empiece a contar. No te gustará si llego al número diez" (Aren't you gonna answer me? Talk now before I start counting. You won't like it if I reach the number ten) mahina ngunit may diin na sabi niya
Gusto ko na lamang napakamot sa ulo ko dahil sa ginagawa ng lalaking ito. Sana man lang nagdala siya ng interpreter para hindi kami mahihirapang dalawa dito. Hindi ba siya nag-iisip? Akala ko gobernador heneral 'to? Mukhang mas bagay ko pa maging gobernador heneral kaysa sa lalaking ito dahil ako nag-iisip, siya hindi.
Napatitig siya sa akin at nang mapansing hindi pa rin ako nagsasalita ay agad niyang sinakmal ang leeg ko saka ako sinakal ng mariin. Ramdam ko ang mabagal at mahinang pagdaloy ng hangin sa katawan ko dahil sa ginawa niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit itong nilalayo mula sa akin ngunit mas dumiin lamang ito. Napapasipa na rin ang mga paa ko sa lapag habang pilit kumakawala sa kanyang mga kamay.
Mas lumapit siya sa akin at kita ko na ang mas madilim niyang mga tingin sa akin na nakakasindak.
"Responderás a mi pregunta o morirás ahora mismo." (You will answer my question or else you'll die right now) diniinan niya pa ang pagkakasakal sa akin saka niya ako pabalibag na binitawan.
Napahawak ako sa leeg ko saka ako umubo ubo ay naghabol ng hininga. Pakiramdam ko ay isang taon akong hindi makahinga dahil sa ginawa niya. Alam kong may bakas na rin ng kanyang kamay ang aking leeg pero wala na akong magagawa dito.
Gustuhin ko man siyang murahin ng sunod sunod ay hindi ko magawa dahil nasa teritoryo niya ako, anumang oras ay pwede niya akong patayin. Nang makabawi ako ng sapat na hininga ay tiningala ko siya na noo'y madilim pa rin ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"H-hindi ko maintindihan ang iyong mga sinasabi sa wikang Espanyol" sabi ko
Nanatili siyang nakatingin na para bang pina-process ang aking mga sinabi sa kanyang maliit at makitid na utak. Ilang minuto pa siyang ganon saka siya ngumisi ng bahagya.
![](https://img.wattpad.com/cover/264377466-288-k688668.jpg)
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General (My Beloved Governor General)
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...